Manong Wen (104)

“ANG bango mo Princess,” sabi ni Jo habang­ nakadikit ang mukha kay Princess.

“Siyempre naman, bagong paligo yata ako.’’

“Sorry ha, kanina nasilip kitang naliligo. Kung bakit kasi hindi ka nagla-lock ng pinto. Paano kung may pumasok na tao at kung ano ang gawin sa’yo.”

“Nakahanda naman ako kung sakali. Nasa banyo ang arnis ko. Lalaban ako.’’

“Kahit pa may arnis ka. Paano kung baril ang itutok sa’yo?”

Natahimik si Princess.

“Para ka palang diyosa kapag hubad, Princess.”

“Bakit ipinasya mong silipan ako.’’

“Hindi naman kita derektang sinilipan. Pagbukas ko sa banyo, naroon ka. Walang saplot. Napakaganda mo Princess.’’

“Naisahan mo ako, Jo. Wala na pala akong maipagmamalaki sa’yo. Nakita mo na ang buong katawan ko.’’

“Hindi pa lahat Princess. Mayroon pa akong hindi nakikita. Yung nasa ilalim ng pugad ng uwak…”

“Pilyo ka, Jo,” sabi ni Princess at inirapan si Jo.

“Nakakagigil ka Princess,” sabi pa ni Jo at idinikit nang tuluyan ang mga labi niya sa labi ni Princess. “Napakalambot ng lips mo.”

Hanggang sa tuluyan nang magsanib ang kanilang mga labi. Tiyak ni Jo siya ang unang nakahalik kay Princess.

Matagal na magkalapat ang kanilang mga labi. Mainit na mainit ang halikan nila. Nagbabaga na ang damdamin nila.
Nang bigla ay may nag-“tao po!” Dalawang beses.

(Itutuloy)

Show comments