^

Punto Mo

Honesty and Dishonesty

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

— are the best policies, sometimes…

MAY isang lalaki na pumasok sa bahay ng kanyang kapitbahay para nakawin ang bago nitong video player at TV. Nang aalis na siya ay biglang dumating ang kapitbahay at may kasamang isang kaibigan. Walang choice ang magnanakaw kundi magtago muna.

Ang kaibigan ang nagluto habang nagpapahinga sa silid ang kapitbahay. Mula sa pinagtataguan ng magnanakaw ay nakita niyang may inihalong lason sa daga ang kaibigan sa pagkaing niluluto nito. Nang isinilbi ang pagkain sa kapitbahay at akmang isusubo ay biglang lumabas sa pinagtataguan ang magnanakaw at pinigilan ang kapitbahay na kainin ang ibinigay sa kanyang pagkain.

Ipinagtapat ng magnanakaw sa kanyang kapitbahay ang dahilan kung bakit siya nasa loob ng bahay hanggang sa makita niyang nilalagyan ng lason ang pagkaing niluluto. Upang patunayan na may lason ang pagkain, ipinakita ng magnanakaw ang empty pack ng lason na ginamit ng walanghiyang kaibigan.

Naniwala naman ang kapitbahay sa kuwento at sa sobrang pasasalamat sa pagkakaligtas sa kanya, ibinigay na niya nang tuluyan ang video player at TV sa magnanakaw.

vuukle comment

IPINAGTAPAT

KAIBIGAN

KAPITBAHAY

LASON

MAGNANAKAW

MULA

NANG

NANIWALA

UPANG

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with