Manong Wen (102)
H INDI naman makapaniwala si Jo sa pagkakataong iyon na nakapagtapat siya ng niloloob kay Princess. Akalain ba niyang masabi kay Princess na “paano niya malilimutan ang babaing may puwang sa kanyang puso”. Torpe siya at mahiyain pero sa pagkakataong iyon ay deretsahan siyang nakapagtapat.
“Ikaw ba ang guardian angel ko, Mang Jo?” sabi ni Princess na nakatingin pa rin kay Jo. Walang kurap.
“Baka nga ako, Princess. Kaya lang wala akong pakpak!’’
Napaumis si Princess.
“Doon nga tayo mag-usap sa sala, Mang Jo.’’
“Halika.’’
Nang nasa salas na, naupo si Princess. Nanatiling nakatayo si Jo at hawak ang dalawang arnis.
“Akala ko nakalimutan mo na kami, Mang Jo.’’
“Hindi Princesss. Paano nga kita malilimutan e narito ka sa puso ko…’
“Mang Jo naman, puro ka biro.’’
“Hindi ako nagbibiro Princess. At saka puwede bang humiling?”
“Ano po yun Mang Jo?”
“Huwag mo na akong tawaging Mang Jo. Jo na lang. Tumatanda ako.’’
Napaumis si Princess. Hinatak ang tuwalya sapagkat bumubuka ang nasa harapan. Wala pa naman siyang suot na panloob.
“E hindi po ba nakakahiya?”
“O huwag mo na ako pupuin. Jo na lang.’’
Napaumis muli.
“Sige na nga Jo.’’
“Puwede akong umupo sa tabi mo Princess?”
“Sige.’’
Naupo si Jo.
“Matagal kong inimadyin na makapagtapat sa’yo, Princess. Yun pala mabilis lang. Mahal kita Princess. Love na love!”
Hindi makapagsalita si Princess. Paano niya sasabihin na love rin niya si Jo?
(Itutuloy)
- Latest