ALAM n’yo bang 7 sa 10 batang lumaki sa mga relihiyosong pamilya ay nagrerebelde at 2-3 lamang sa kanila ang bumabalik sa kanilang mga pamilya sa edad na 30? Kung ayaw mong maging isa ang anak mo sa pitong ito na umalis at hindi bumalik, kailangan mong gumawa ng paraan upang maging mas epektibo ang iyong pagiging magulang.
Bilang magulang, kailangan mong manguna at maging bahagi ng spiritual training ng iyong anak sa inyong tahanan. Minsan kasi ang espiritwal na aspeto ng buhay ng mga anak ay ipinauubaya na lamang ng mga magulang sa paaralan, sa mga guro. Pero ang higit na mahalaga ay ang iyong papel bilang magulang sa paghubog sa pananalig at paniniwala ng anak.
Madalas ay hindi kasama ang espiritwal na aspeto sa mga pangarap ng mga magulang para sa anak. Karaniwan kasi ang iniisip lang ng magulang ay kung ano ang magiging propesyon ng anak pagdating ng araw; anong kurso ang kukunin sa kolehiyo atbp. Pero hindi kasali kung anong uri ng Kristiyano nila nais maging ang mga ito. Ngayon, kung wala kang layunin at walang plano, walang mababago.
Guilty rin siguro ang nakararami sa ating mga magulang na tayo ay hopeful o umaasang lalaking maka-Diyos ang ating mga anak. Ngunit hindi sapat ang hopeful, kailangan ay maging intensiyunal sa pagkamit nito. Kaya naman dapat ay malinaw sa ating mga magulang ang papel natin sa spiritual life ng ating mga anak. Alam n’yo bang malaki ang papel ng ama sa pananaw ng anak sa Diyos Ama? Pangunahing tungkulin at responsibilidad ng magulang na tutukan ang buhay pananalig ng anak dahil ang puso ang pangunahing kailangang hubugin dito. Spiritual training is a heart issue. At ang damdamin ng bata ay sa tahanan hinuhulma. At ang pinakaimpluwensiyal sa buhay ng mga bata ay ang mga magulang. Tandaan, crucial ang iyong sariling pananaw sa Diyos upang mahubog ang pananaw ng mga anak mo Sa Kaniya.
Limang bagay ang kailangang matanim sa mga bata, ayon sa kanilang edad.
1. Respeto - kailangang sa murang edad, habang nasa pre-school o maging playschool pa lamang ay marunong ng gumalang ang bata sa awtoridad. Una na riyan ang magulang at iba pang mga nakatatanda tulad ng mga guro sa paaralan.
2. Wisdom - kanino makikinig ang mga anak mo kapag kailangan nila ng tulong, ng payo? Sino ang susundin nila? Bilang magulang dapat ituro sa anak na ang wisdom ay mula sa Itaas. Kaya maraming mga batang napapariwara ay dahil mali ang mga dinudulugan nila.
3. Grace - maraming bagay sa buhay ang mahirap malampasan, mga problemang tila imposibleng masolusyunan. Ngunit kung alam mo ang tinatawag na grasya, o divine enablement, maisasalin mo sa anak mo na maraming mga bagay ang mukhang imposible, pero magiging posible kapag siya ay mananalig sa Itaas.
4. Destiny - kapag nasa highschool na ang anak, patungo na ng kolehiyo at hindi pa tiyak kung saan nais mag-aral at anong kurso, at lito at nilalamon ng peer pressure etc, dapat silang magkaroon ng kumpiyansang may rason sa pangyayari ng lahat ng bagay. Dahil ang lahat ay nakatakda na.
5. Perspective - o pananaw na sa araw-araw, ang Diyos ay laging nariyan, kontrolado Niya ang lahat, Siya ang laging mananaig at hindi Niya tayo pababayaan,