^

Punto Mo

Kaso ni Sueselbeck, babala sa mga dayuhan

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

BABALA sa mga dayuhan: Huwag lalabis sa mga aksiyon habang sila ay nasa bansa at baka danasin ang sinapit ng German na si Mark Sueselbeck.

Kinasuhan si Sueselbeck ng Bureau of Immigration dahilan upang pigilan itong makaalis agad ng bansa pa­balik sa Germany.

Nag-ugat ang kaso ni Sueselbeck dahil sa pagsampa nito sa bakod at pumasok sa restricted­ area sa loob ng Camp Aguinaldo at itinulak ang nagbabantay na sundalo.

Bilang boyfriend umano ng napaslang na transgender na si Jeffrey Laude ay natural lamang na makisimpatya ito at makiramay sa mga pamilya ng biktima..

Pero lumitaw na sumobra sa limitasyon  si Sueselbeck at nakalimutan nito na siya ay isang dayuhan  at  may nilabag na batas.

Kung sa Germany kaya ginawa ng isang Pilipino na pumasok sa restricted area sa mismong military facility, ano kaya ang magiging aksiyon dito.

Mabuti na lang at hindi pinalampas ng AFP ang inasal ni Sueselbeck at kinasuhan ito kaya hindi agad nakaalis.

Sa pinakahuling balita, nagdesisyon na ang Immigration  para sa deportasyon  ni Sueselbeck dahil na rin sa inihaing petisyon na voluntary deportation.

Dapat papanagutin din ang abogado ni Sueselbeck at ng pamilya Laude na si Atty. Harry Roque dahil sa inasal nito na tila siya pa ang naka-engganyo kay Sueselbeck na mambastos ng sundalo at pumasok sa isang restricted area sa kampo.

Dapat si Roque ang mismong pumigil kay Sueselbeck at manguna sa pagrespeto sa ating sundalo at military facility. 

Pero kabaliktaran ang naging asal ni Roque at dapat bigyan ng leksiyon at patawan ng parusa para hindi pamarisan.

Kahit abogado ay may limitasyon at dapat alam ito ni Roque bagama’t nauunawaan ko ang pakikisimpatya sa biktimang si Laude.

 

BUREAU OF IMMIGRATION

CAMP AGUINALDO

DAPAT

HARRY ROQUE

JEFFREY LAUDE

MARK SUESELBECK

PERO

SUESELBECK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with