^

Punto Mo

Manong Wen (96)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HALIKA na Ate, matulog na tayo. Alam ko, pagod na pagod ka dahil sa nangyari,” sabi ni Precious.

“Sige mauna ka na at aayusin ko lamang ang mga gagamitin ko sa paglu­luto ng bibingka bukas ng umaga.’’

“Ate magpahinga ka na. Mas mahalaga na makapagpahinga. Huwag ka na munang magtinda bukas. Makakaraos din naman tayo kahit hindi ka magtinda ng bibingka.’’

“Sige, Precious. Su­sunod na ako sa’yo sa kuwarto. Hindi na muna ako magtitinda ng bibingka bukas.’’

“Salamat Ate.’’

Nauna na si Precious at maya-maya, sumunod na rin si Princess. Pinatay nito ang ilaw sa kusina.

Hanggang sa wala nang narinig si Jo sa loob ng bahay­. Matutulog na ang mag­kapatid.

Nang inaakala ni Jo na hindi na siya mararamdaman ng magkapatid ay dahan-dahan siyang nagtungo sa harapan ng bahay. Nakiramdam siya. Maaaring sinusubayba­yan ng mga tauhan ni Chester ang magka­patid. Maaaring ang dalawang lalaki na nag-aabang sa gate ng school nina Princess ay muling babalik sa school para isagawa muli ang plano. Kaya hindi niya dapat hiwalayan ng tingin sina Princess. Mas lalo siyang kailangan ng mga ito ngayon.

Ang isang ipinagtataka niya ay kung bakit silang magkapatid ang target nina Chester. Ano kaya ang ka­ugnayan ni Princess kay Chester? Dati raw kaklase ni Princess si Chester. Ano kaya ang balak ni Chester sa magkapatid?

Hanggang sa makaramdam ng antok si Jo. Mu­ling pinakiramdaman ang pa­ligid. Wala naman siyang na­ramdamang kakaiba. Inins­peksiyon niya ang kandado ng gate. Naka-lock na iyon.

Bumalik na siya sa likod ng bahay at nahiga sa papag na palagi niyang hinihigaan mula noong guwardiyahan niya ang magkapatid. Nakatulog agad siya.

KINABUKASAN, muli niyang sinubaybayan ang magkapatid habang patungo sa school.

Nakaramdam yata ang dalawa na may sumusunod sa kanila.

(Itutuloy)

ALAM

ANO

BUMALIK

DATI

HANGGANG

MAAARING

SALAMAT ATE

SHY

SIGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with