^

Punto Mo

Lalaki, napagkamalang patay, inilagay sa refrigerated crypt ng morgue sa loob ng 21 oras!

- Arnel Medina - Pang-masa

NAKARINIG ng sigaw ang dalawang staff ng morgue sa South Africa. Nanggaling ang sigaw sa loob ng refrigerated crypt na pinag­lalagyan ng mga bangkay. Pero sa halip na tingnan o siyasatin, nagtakbuhan palabas ang dalawang staff. Nasa isip nila ay multo ang nasa refrigerator.

Nang magbalik ay kasama na nila ang isang team ng mortuary para imbestigahan ang narinig na sigaw. Binuksan nila ang refrigerator at ganoon na lamang ang kanilang pagkagulat sapagkat isang lalaking nanginginig sa ginaw ang nasa loob.

Mabilis na inilabas ang lalaki sa loob ng refrigerator at isinakay sa ambulansiya at dinala sa ospital. Makalipas ang anim na oras, nagbalik na ang kondisyon ng lalaki. Ligtas na siya sa kamatayan.

Ang lalaki ay 60-anyos at hiniling na huwag nang banggitin ang pangalan. Ayon sa kanya, nawalan siya ng malay tao makaraang atakehin ng asthma. Sa halip na ang paramedics ang tawagin ng kanyang pamilya, private mortuary ang tinawag. Ang akala ng pamilya ay patay na ang lalaki.

Agad na kinuha ng taga-mortuary ang bangkay ng lalaki. Inilagay sa refrigerated crypt kasama ng iba pang mga bangkay. Ang refrigerator ay kailangang nasa low temperature para hindi mabulok ang mga bangkay. Sa tindi ng lamig ay maaaring magyelo ang nasa loob.

Tumagal ng 21 oras sa refrigerator ang lalaki.

Nagbabala ang government ng South Africa sa publiko na ang magdedeklara lamang na patay na ang isang tao ay isang trained official­. Dapat daw tumawag sa health services ang pamilya para ito ang magdeklara at ma-certified na patay na nga ang biktima.

AYON

BINUKSAN

DAPAT

INILAGAY

LALAKI

LIGTAS

MABILIS

MAKALIPAS

SOUTH AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with