^

Punto Mo

Masusubukan si Duterte

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: May shabu tiangge na nag-ooperate sa kanto ng Malaya Ext. at Nepa St. sa Balut, Tondo. Ang operator ng drug den ay isang alyas Edwin German, anang mga kosa ko. Ang ipinagtataka lang ng mga residente ay hindi ginagalaw ng Manila Police District (MPD) at opisyales ng Bgy. 125, Zone 10 ang shabu tiangge.

* * *

Lumapit ang pamilya ni Manuel “Willy” Corral Vll kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito noong Set. 13. Naniniwala kasi ang mga kamag-anak ni Corral na may kinalaman ang mga pulis sa Toril sa kanyang kamatayan. Si Corral ay isang tricycle driver at pauwi na matapos makipaglamay sa namatay na kapatid sa isang funeral homes nang tambangan at paulanan ng bala. Ano ba ‘yan?

Nais iparating ng mga kamag-anak ni Corral kay Duterte ang sumusunod na pangyayari para magiyahan siya kapag nag-utos siya ng imbestigasyon. Noong Set. 11, ang lasing na si PO1 Jeper Villegas ay tinutukan ng baril si Corral, binugbog at inutusang umalis na sa Toril kung ayaw mamatay. Nangyari ang insidente sa parking lot ng Angel funeral parlor at nakunan pa ito ng CCTV. Naibalita ang insidente at na-interview pa si Corral kung saan ibinulgar niya ang banta sa kanyang buhay. Kinabukasan, sunod-sunod na text messages ang natanggap ni Corral para lumabas siya ng funeral parlor subalit hindi siya tuminag. Subalit noong Set. 13, pauwi na si Corral nang tambangan at barilin mga 200 metro ang layo mula sa funeral parlor.

Ayon sa mga kaanak ni Corral, si Villegas ay nasa custody na ng pulisya at ang service firearm nito ay positibo sa ballistic test. Subalit kasong administratibo lang ang hinaharap nya. Noong Set. 18,  inaresto ang isang Raul Altamirano alyas Nonoy na itinuro naman ang isang alyas Gaga na hawak naman ng mga local na pulisya. Maliwanag na may kinalaman ang mga pulis sa pagkamatay ni Corral kaya nais ng mga kamag-anak niya na makialam na si Duterte sa kaso. Tumpak!

Kaya naman pala kay Duterte lumapit ang kamag-anak ni Corral dahil walang gustong tumestigo sa kaso. Takot ang mga testigo dahil pader ang babanggain nila. Malaki kasi ang paniniwala ng mga kamag-anak ni Corral na kapag si Duterte na ang makialam, lalabas at lalabas din ang katotohanan. Tiyak ‘yun!

Noong Set. 11 kasi, nag-isyu si Duterte ng warning sa kapulisan na, “In Davao, it would be different. Don’t you engage in crime here for I will shoot you.” Sineryoso ng Davaeños ang tinuran ni Duterte at masusubukan siya sa kaso ni Corral. Abangan!

CORRAL

CORRAL VLL

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

EDWIN GERMAN

IN DAVAO

JEPER VILLEGAS

NOONG SET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with