^

Punto Mo

EDITORYAL - Nakababahala na ang pagtaas ng krimen

Pang-masa

SAAN pa bang lugar ligtas sa panahong ito? Ito ang madalas itanong ng mga taong nababahala na sa tumataas na bilang ng krimen. Hindi lamang sa Metro Manila laganap ang krimen kundi sa mga probinsiya man. Wala nang kinasisindakan ang mga kriminal. Kahit malapit pa sa police station, isasagawa nila ang krimen. Walang makapipigil sa kanilang masamang hangarin – papatay, magna­nakaw, mangangarnap, manghoholdap, mang-ii-snatch, at iba pang krimen.

Noong Miyerkules, binaril at napatay ng riding-in-tandem ang abogado at mamamahayag na si Jack Turqueza sa Tuguegarao City. Nakasakay si Turqueza, 47, sa kanyang motorsiklo nang sundan ng tandem at pagbabarilin. Namatay noon din si Turqueza dahil sa tama ng bala sa ulo at dibdib. Bukod sa pagiging reporter, isa rin siyang radio broadcaster. Nakatakas ang mga salarin. Inaalam ng pulisya kung ang pagpatay kay Turqueza ay may kinalaman sa kanyang pagiging abogado o pagi­ging mamamahayag. Maraming nababahala na ang pagpatay kay Turqueza ay mapapabilang na naman sa mga hindi malulutas na krimen.

Maraming krimen na nangyayari at tila walang magawa ang Philippine National Police (PNP) kung paano mapuputulan ng sungay ang mga kriminal. Kahapon, nakunan ng CCTV ang walang habas na pamamaril sa Caloocan City. May mga tinamaang bystanders. Kamakalawa, nagkaroon din ng pama­maril sa Cavite at isang buntis ang napatay. Kama­kalawa pa rin, isang criminology student ang binaril at napatay ng mga lasing umanong mga pulis sa San Juan.

Habang laganap ang pamamayagpag ng riding-in-tandem, may mga holdapan sa jeepney, bus at mga taxi. Ang pumalag ay walang awang binabaril. Nakapagtataka naman na kapag may nangyayaring krimen, walang nagpapatrulyang pulis.

Ang pagsibak sa apat na police directors sa Metro Manila ay magandang hakbang para magkaroon ng sigasig ang awtoridad na gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.

CALOOCAN CITY

JACK TURQUEZA

KRIMEN

MARAMING

METRO MANILA

NOONG MIYERKULES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TURQUEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with