^

Punto Mo

Psychologically speaking…(2)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG mga sumusunod na katotohanan tungkol sa pag-uugali ng tao ay resulta ng mga pag-aaral na isinagawa ng iba’t ibang psychologists:

Kung gusto mong pagkatiwalaan ka ng ibang tao, paunahin mo siyang pagsalitain. Paano? Magtanong ka. Sa ganitong paraan, mararamdaman niya na nais mong marinig ang kanyang panig at handa kang unawain siya.

Ang amoy ng lavender at pumpkin pie ay nakakapagpa-turn on sa mga lalaki. Sabagay, mga lalaking Amerikano ang sumailalim sa pag-aaral na ito. Ano kayang amoy ng pagkain ang makakapagpa-turn on sa lalaking Pinoy. Hindi naman tayo pamilyar sa kalabasa pie. Amoy kaya ng bibingka.

Noong 2009, naitala sa survey na mas malaking kumita ang mga Amerikanong may bigote kaysa walang bigote.

Ayon kay Allan Pease, Australyanong eksperto sa body language, para makumbinse mo ang iyong kausap, tumango-tango ka habang nagpapaliwanag. Nakakatulong ito para magkaroon ng “positive feeling” ang iyong kausap sa mga sinasabi mo. Bukod sa hikab, ang pagtango ay nakakahawa rin.

Kung gusto ng isang lalaki na magmukhang sexually experienced, magpa-tattoo ka.

Kung gusto mong ma-in love sa iyo ang isang tao, tingnan mo ang kanyang mga mata. (Itutuloy)

vuukle comment

ALLAN PEASE

AMERIKANO

AMERIKANONG

AMOY

ANO

AUSTRALYANONG

AYON

BUKOD

ITUTULOY

MAGTANONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with