^

Punto Mo

Manong Wen (75)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PUMASOK si Jo sa bahay. Kahit may mga gamit pa ang da­ting may-ari sa bahay ay ipinagkaloob na sa kanya ang duplikadong susi para lubusan niyang ma­inspeksiyun at makapag-tour sa bahay.

Tiningnan niya ang salas­. Maganda. Ma­luwag. Kapag naisa­ayos pa niya iyon ay mas lalong ga­ganda. Bibili siya ng mga appliances. Pawang mga bago ang dadalhin niya.

Sunod niyang tiningnan ang kusina. Ma­luwang din. Tamang-tama ang desenyo. Mayroon nang mga cabinet na naka­aakit ang design.

Tiningnan niya ang banyo. Maluwang din. Kumpleto.

Tama ang sabi ng may-aring si Mr. Cruz na hindi pa halos nagagamit ang bahay. Bagumbago pa talaga. Makikita na walang mga gasgas ang mga tiles at dingding. Malinis na malinis. Wala siyang makitang pangit sa bahay.

Nagtungo siya sa se­cond floor. Tatlong mala­laking kuwarto. Buhay na buhay pa ang pintura ng mga kuwarto. Malinis na malinis din. Wala talaga siyang makitang pangit. Tinungo niya ang bintana sa harap at dumungaw. Mula sa bintana ay tanaw ang mga namumungang lansones sa kapitbahay. Taniman pala ng lansones ang kabilang lote. Mga hinog na ang lansones.

Nang magsawa sa pagtanaw sa bintana, ay bu­maba na si Jo at tinungo ang pintuan sa kusina. Lumabas siya roon. Mayroon palang dirty kitchen doon. May mga tanim na namulaklak na halaman. Dito rin sa likod ang sampayan ng damit. At na­pansin niya na may mun­ting espasyo para paglaruan o pag­basketbolan.

Maganda na nga ang property na ito. Nakangiti si Jo. Pinal na ang desisyon niya na dito na manirahan. Iiwan na muna niya ang bahay­ sa Makati. Dada­lawin na lang niya, minsan isang buwan.

Kailangang dito siya sa barangay nina Princess para masubaybayan ang magkapatid. At gusto niya, mapalapit kay Princess. Siguro, darating din ang pagkakataon na masasabi niya kay Princess ang sina­saloob niya. Pero kaila­ngang mag-ipon muna siya ng lakas ng loob.

Bumalik sa Maynila si Jo para ayusin ang mga mahahalagang gamit na dadalhin niya sa paglipat sa Socorro.

Nagdala siya nang maraming pera. Kahit na nakabili siya ng property ay parang hindi pa rin nababawasan ang kanyang pera. Halos hindi pa nababawasan ang napanalunan niya sa lottery sa Saudi. Ang ibinili niya ng bahay at lupa ay ang kanyang separation pay.

Nang maisaayos ang mga gamit na dadalhin ay namili siya ng mga pagkain para pambaon.

Matapos gawin iyon ay saka niya napansin ang kanyang cell phone. Bakit wala siyang nata­tanggap na message o kaya’y tawag. Hindi nagri-ring ang CP niya.
Naalala niya, nabagsak nga pala ito at baka nasira na. Kung sira, ano ang gagamitin niya sa probinsiya.

NANG mga sandali namang iyon ay balisa si Princess sapagkat wala pa si Precious. Nagpunta lamang sa tindahan sa kanto para bumili ng shampoo pero hindi pa bumabalik.

Kinabahan siya.

(Itutuloy)

BAHAY

KAHIT

MAGANDA

MALINIS

MAYROON

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with