^

Punto Mo

Manong Wen (74)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ISANG taon lang na­ming tinirahan yan Mr. Jo,” sabi ng may-ari ng lupa at bahay. “Kinukuha na kasi kami ng aming mga anak sa Canada kaya ibinenta ko ito,’’ sabi ng may-ari ng property makaraang bayaran ng cash ni Jo. Mahigit isang milyong piso ang binayad niya sa may-aring si Mr. Cruz.

“Kaya po pala bago ang bahay.’’

“Oo. Yung ipinagpagawa ko niyan ay galing sa retirement naming mag-asawa.’’

Napatangu-tango si Jo.

“Bago ka lang dito Mr. Jo?”

“Opo. Galing po ako sa Maynila, Mr. Cruz.’’

“Mabuti naman at dito mo naisip kumuha ng ari-arian. Mababait ang tao rito. Wala kang aalalahanin dito, Mr. Jo.’’

“Oo nga raw po. Mababait daw at magagalang ang mga tao sa barangay na ito.’’

“E kailan mo naman balak lumipat, Mr. Jo?”

“Next week po --- sa Lunes.’’

“Tamang-tama! Sa Linggo ay paalis na kami. Paglipat mo, malinis na malinis na sa loob. Marami ka bang gamit na dadalhin?’’

“Wala po.’’

“Wala? E ano ang gaga­mitin n’yo ng pamilya mo?”

“Wala po akong pamilya. Binata pa po ako.’’

“Ganun ba? Naku e baka dito ka makapag-asawa. Maraming magagandang dalaga rito. Bihira ang dalagang pangit dito.’’

“Oo nga raw po.’’

“Sige, good luck sa’yo, Mr. Jo.’’

“Good luck din po sa’yo, Mr. Cruz. Von voyage po.’’

“Salamat.”

Umalis na ang matanda.

Pinagmasdan naman ni Jo ang bahay. Maganda. Bagumbago pa. Dito na siya titira mula ngayon. Madali na niyang masusubaybayan si Princess at kapatid nito. Kailangang maging maingat siya para hindi malaman ni Princess na dito siya nakatira.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAGUMBAGO

BIHIRA

DITO

MABABAIT

MR. CRUZ

MR. JO

OO

SA LINGGO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with