^

Punto Mo

Magsasakang tsino, gumawa ng sariling tangke

- Arnel Medina - Pang-masa

SI Li Guojun, isang magsasaka sa China, ay mahilig sa mga bagay na may kinalaman sa military. Dahil doon, gumawa siya ng sari­ling tangke na halos walang pinagkaiba sa ginagamit ng mga sundalo.

Sa kabila ng hindi siya inhinyero, nakabuo si Li ng tangke na anim na metro ang haba. Tumatakbo ito ng 20 kilometro bawat oras. Katulad ng mga tangkeng ginagamit ng mga sundalo, kaya rin ng tangke ni Li na tumakbo sa kahit anong topograpiya ng lupa mapa-putik man ito o sementado.

Nagsimula ang pagkahilig ni Li sa mga tangke noong bata pa siya. Dinala siya ng kanyang lola sa sinehan upang manood ng pelikulang tungkol sa digmaan. Noon siya unang nakakita ng tangke at nahumaling na siya.

Hindi gumamit si Li ng anumang manual para sa paggawa ng kanyang tanke. Sa halip, ginaya lamang niya ang kanyang mga laruang tangke hanggang sa mabuo ang life-sized na tangke. Hindi naging madali ang proseso ng pagbuo ni Li ng kanyang tangke at ilang beses siyang nabigo sa paggawa nito.

Ngunit dahil sa pagpupursige, natapos din ni Li ang tangke. Sa kasalukuyan, dalawang tangke na ang kanyang nagagawa. Ipinahihiram niya sa isang kaibigan ang isa sa mga tangke at sabay nilang pinatatakbo linggu-linggo bilang libangan.

DAHIL

DINALA

IPINAHIHIRAM

KATULAD

LI GUOJUN

NAGSIMULA

NGUNIT

TANGKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with