Ang bansa ni Rizal

Itong Pilipinas ay magandang bansa

at maging si Rizal dito ay humanga;

nang bata pa siya’y ibinabandila

sa nalikha niyang mga kwento’t tula!

 

Huling Pahimakas ng kanyang sulatin

ang ganda ng bansa ay inihabilin;

tayong nabubuhay hanggang sa malibing

itong Pilipinas ay dapat mahalin!

 

Sinabi pa niyang itong ating bayan

ay perlas ng dagat sa dulong silangan;

lahat tayong dito’y pawang nanirahan

dapat tayo’y handang ito’y ipaglaban!

 

Kaya nga si Rizal nang bago mamatay

sinabing ang bansa’y di dapat mawalay

sa diwa at puso nitong sambayanan

pagka’t ito’y atin hanggang kamatayan!

Show comments