^

Punto Mo

EDITORYAL – Ibalik ang tiwala sa hudikatura

Pang-masa

PAIGTINGIN pa ang pagreporma o paglilinis sa hudikatura. Walang puwang sa mga may buktot na hangarin ang hudikatura. Walisin pa sila!

Sinibak si Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong noong nakaraang linggo at magandang hakbang ito para ipagpatuloy pa ang pag­lilinis. Inakusahan si Ong ng grave misconduct at dishonesty. Ang ginawa ng Supreme Court na pagpapatalsik kay Ong ay kapuri-puri at maaaring magbalik ang tiwala ng mamamayan na mayroon pang hustisya sa bansang ito. Marami ang nauuhaw sa hustisya sapagkat mayroong mga hukom na kayang tapalan ng pera. Hindi kaila na maraming tumatanggap ng suhol para lamang paboran ang kanilang kaso. Mayroong nasasadlak sa madilim na kulungan dahil sa nasuhulan ang corrupt na hukom.

Isang malaking kahihiyan sa judiciary ang ginawa ni Ong. Inilagay niya sa mababang kalagayan ang hudikatura makaraang paboran o idismis ang kaso ng pork barrel queen na si Janet Lim Napoles. Ang kaso ay may kaugnayan sa pagbili ng mga helmet para sa Philippine Marines noong 1998. Kinasuhan si Napoles sa Sandiganbayan subalit sa halip na maparusahan, inabsuwelto pa siya ni Ong. Ayon sa mga testigo, madalas ding makita si Ong sa mga party na kasama si Napoles. Nadiin si Ong nang paulit-ulit siyang banggitin sa Senate hearing ng whistle blowers na tumanggap ng pera mula kay Napoles na nagkakahalaga ng P3.1 milyon. Agad namang ipinag-utos ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na imbestigahan si Ong. Napatunayang guilty si Ong. Lahat ng kanyang retirement benefits ay hindi niya makukuha. Pinagbabawalan din siyang maglingkod sa alinmang tanggapan ng gobyerno.

Maraming hukom na dahil sa kinang ng salapi ay nagagawang iabsuwelto ang taong may kasalanan. Napakasama! Labis na matutuwa ang taumbayan kapag ganap nang nalinis ang hudikatura. Muling maniniwala ang taumbayan sa sistema ng katarungan.

AYON

INAKUSAHAN

JANET LIM NAPOLES

NAPOLES

ONG

PHILIPPINE MARINES

SANDIGANBAYAN ASSOCIATE JUSTICE GREGORY ONG

SUPREME COURT

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with