ISANG guro sa China ang naging sikat sa mga social media sites roon dahil sa kakayahan niyang iguhit ang mapa ng daigdig mula sa kanyang memorya.
Ang guro, na kinilala bilang si Zhao Dengming, ay nakilala sa mga social media sites sa China matapos i-upload ng isa sa kanyang mga estudyante ang ilang mga larawan na nagpapakita sa kanya habang iginuguhit niya ang mapa ng daigdig sa blackboard nang walang tulong ng kahit anong libro o ng iba pang mapa.
Napakabilis din ng kanyang pagguhit dahil inaabot lamang siya ng humigit-kumulang isang minuto upang makumpleto ang buong mapa ng daigdig. Sakto rin ang mapa at aakalin mong iginuhit ito ng may pinaggayahang libro o mapa
Isa raw guro ng kasaysayan si Zhao ayon sa isa sa mga nagkomento sa kanyang mga naka-upload na larawan na nagpapakita sa kanyang pagguhit.
Ayon rin sa isa pa sa mga nagkomento sa Internet, ilang dekada na raw ginagawa ni Zhao ang pagguhit ng mapa ng mundo sa kanyang mga klase kaya saulado na niya ito at nagagawa na niyang gumihit ng walang kahirap-hirap mula sa kanyang memorya.