10 Istorya ng ‘True Love’

Ikaw Lang...mula Noon, hanggang Ngayon

Si Ann ay 17 samantalang si  John ay 21 nang maging mag-sweetheart sila.  Magkapitbahay sila sa isang lugar sa Connecticut. Ang pinaka-date nila ay ang pagsundo ni John kay Ann sa secondary school na pinapasukan nito. Tinutulan ng ama ni Ann ang pakikipagrelasyon nito dahil ipinagkasundo nito ang dalaga sa isang lalaking 37 years old.

Naramdaman ni Ann na seryoso ang kanyang ama na ipa­kasal siya sa ibang lalaki kaya nakipagtanan siya kay John noong 1932. Nagtago sila sa New York at doon nanirahan bilang mag-asawa. Hinayaan na lang sila ng mga magulang ni Ann dahil nahuhulaan nilang hindi ito tatagal sa buhay may-asawa. Bata pa ito at hindi seryoso sa pinasok na buhay.  Ngunit doon nagkamali ang mga magulang, sobra nilang minaliit ang anak pagdating sa pag-ibig. Hindi nila alam kung gaano katatag ang kanilang anak. Nalampasan ng mag-asawa ang lahat ng klase ng pagsubok mula sa Great Depression, World War II…pero akalain mong matibay pa rin silang nakatayo at patuloy na  nagmamahalan hanggang sa age of iPhones?

Noong November 24, 2013, si John at Ann Betar ay nagdiwang ng kanilang 81st wedding anniversary. Si John ay 102 years old samantalang si Ann ay 98. Mayroon silang 5 anak, 14 na apo at 16 na apo sa tuhod. Sila ang itinuring na longest married couple sa United States of America.

 

Show comments