NAISIP ni Princess, tapat nga kaya ang saloobin ni Chester sa kanya? Bakit ganito ang ginagawa sa kanya? Binabastos na siya.
“Ang tahgal moh naman, Princess, hik! Anoh bang ginawah moh sa CR?” tanong ni Chester na halos magkabuhul-buhol na ang dila sa pagsasalita dahil sa kalasingan.
“E kasi’y nagkaroon ako ng mens, Chester. Biglang-bigla. Malakas!”
“Owww? Binobolah moh naman akoh!”
“Totoo Chester. Hindi kita binobola.’’
“Talagah? Patingin ngah akoh.’’
“Chester naman. Uuwi na ako.’’
“Tingnan koh lang kung nagsasabih kah ng totoo.’’
“Totoo nga, Chester. Hindi ako nagbibiro.’’
“Tingnan koh ngah!”
“Kapain mo na lang. May napkin na ako.”
Kinapa ni Chester. Parang napaso pagkatapos.
“Putsah naman! Bakit kung kailan may gagawin tayo sakah yan nagganyan?’’
Hindi nagsalita si Princess. Parang nababastusan na siya. Parang hindi na siya iginagalang ni Chester.
Nakita niyang nagsalin pa ito ng alak sa baso. Halos hindi na makagulapay sa kalasingan.
Sige inom pa! Sige magsalin ka pa! Sabi ni Princess sa sarili. Hihintayin niya itong bumagsak sa kalasingan. Kapag bumagsak, aalis na siya. Bahala na.
“Buwisit nah buhay ’toh, akalah koh, madadaleh nah. Hindi palah!”
Nakikinig si Princess. Talagang masama ang balak sa kanya. Mahal ba siya talaga nito? Sira na yata ang ulo ng lalaking ito.
Hanggang sa makita niyang nakalungayngay na sa sopa si Chester. Bagsak na.
Mabilis na kumilos si Princess. Dahan-dahan siyang tumayo. Tatakasan niya si Chester! Hindi sana ito magising!
(Itutuloy)