Manong Wen (59)

“BAKIT walang tao?’’ tanong ni Princess kay Chester nang dumating sila sa malaking bahay nito. Sabi ni Chester, birthday daw ng mommy niya. May nakita naman siyang mga pagkain sa hapag.

“Parating na sila. Nasa simbahan lang,” sagot ni Chester. Pinakain siya nito. Pero hindi siya gaanong makakain. Nag-aalala siya dahil sila lamang dalawa ni Chester ang nasa bahay. Kung alam lamang niya na wala pang tao, hindi siya sumama. Mapilit kasi si Chester at ang sabi marami na raw bisita, ‘yun pala ay siya pa lamang ang naroon.

Nakita niyang nagsalin ng alak sa baso si Chester. Tinungga. Straight. Pangisi-ngisi pagkatapos.

Niyaya siya nito sa salas. Naupo sila sa sopa. Dikit na dikit si Chester sa kanya. Kinakabahan na siya.

‘‘Wala pa ba parents mo, Chester?’’ tanong niya.

“Parating na.’’

“Sabi mo maraming bi-sita.’’

“Mamaya pa darating ang mga bisita. Huwag kang mainip.’’

Tayo nang tayo si Chester. Hindi mapakali. Panay na panay ang salin ng alak. Marami nang na­inom.

Habang nakaupo sila ay naging malikot ang kamay ni Chester. Ipinatong ang kamay sa kanyang hita. Hanggang sa maramdaman niyang inilili­lis ang paldang uniporme. Pagapang nang pagapang ang ka­may sa kanyang hita.

“Chester…’’

Biglang binawi ang kamay na unti-unting gumagapang.

“Uuwi na ako, Chester.’’

“Mamaya na. Parating na sina Mommy at Daddy. Sabi ko narito ka. Relaks ka lang Princess Baby.’’

Natahimik siya. Naisip niya baka paparating na nga ang parents ni Chester. Pinilit niyang maging kalmado.

Nagsalin pa ng alak si Chester. Tinungga uli. Ubos. Mapulang-mapula na ang mukha ni Chester. Parang litson na ang itsura sa dami ng nainom.

Maya-maya, muling ipinatong ang kamay sa kanyang hita. Inililis uli ang kanyang palda. Hinimas ang kanyang hita. Papasok nang papasok sa loob.

Hindi siya makapagsalita. Parang natatangay siya sa ginagawa ni Chester. Hanggang sa maabot ni Chester ang kanyang kapiranggot na saplot. Wala pa rin siyang kakilus-kilos. Natatangay siya sa ginagawa ni Chester. Hanggang sa unti-unting binabatak ni Chester ang kapirasong saplot. Natatangay na talaga siya. Nagpapaubaya.

(Itutuloy)

Show comments