^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi kaya ‘ningas-kugon’ ang ‘lifestyle check’?

Pang-masa

SABI ni DILG Secretary Mar Roxas maski si PNP chief Dir. General Alan Purisima ay isasailalim daw sa lifestyle check. Totoo kaya ito o nagbibiro lamang siya? Sabi pa ni Roxas, minamadali na umano ng kanyang tanggapan ang mga patakaran sa lifestyle check makaraang makipag-ugnayan sa Bureau of Internal Revenue at Office of the Ombudsman. Mariin pang sinabi ni Roxas, pasensiyahan na raw sa mga miyembro ng PNP na may mga hindi maipaliwanag na yaman at ari-arian sapagkat tatamaan sila ng kautusan. Wala raw sasantuhin dito. Kung totoo ang banta ni Roxas, magandang maisailalim si Purisima sa lifestyle check lalo pa’t napabalitang mayroon daw itong resthouse sa probinsiya.

Maganda ang ipatutupad na lifestyle check at sana hindi ito katulad ng ibang kautusan na agresibo lang sa umpisa pero kapag nagtagal na ay nanlambot na. Hindi sana ito ningas-kugon lang. Nagsasawa na ang taumbayan sa mga lider na pawang pangako lang ang ginagawa subalit wala namang ginagawa. Sana hindi ito ginagawa ni Roxas sapagkat mayroon siyang ambisyon na maging presidente sa 2016. Kapag hindi tinupad ni Roxas ang mga ipinangako, siya na rin ang sumira sa sarili.

Maraming police officials ang nagmamay-ari nang mga malalaking bahay, malalawak na lupain, paupahang apartments, maraming sasakyan, farm, palaisdaan, babuyan, at marami pa. Kung titingnan naman ang suweldo ng police officials, hindi tumutugma sa dami ng ari-arian.

Ang pagsasailalim sa PNP officials sa lifestyle check ay lumutang makaraan ang pangingidnap ng mga pulis sa dalawang negosyante sa EDSA, Mandaluyong. Pawang mga pulis sa La Loma Station 1 ang sangkot sa kidnapping. Dalawang milyon ang kinuha ng mga pulis sa negosyante. Anim na sa mga pulis ang sumuko. Nabulgar na ang isang police official na hindi pa sumusuko hanggang ngayon ay may net worth na P8 milyon gayung ang suweldo ay P605,133 sa loob ng isang taon.

Umpisahan na ang lifestyle check sa mga opisyal ng PNP. Napapanahon ito lalo’t sadsad na sa kangkungan ang imahe ng PNP.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHECK

DALAWANG

GENERAL ALAN PURISIMA

LA LOMA STATION

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

ROXAS

SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with