^

Punto Mo

DMCI, sa korte na magpaliwanag

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

IGINIGIIT ng DMCI  na nakatugon daw sila sa requirements ng hinihingi ng batas hinggil sa konstruksiyon ng Torre de Manila. Ang paliwanag ng DMCI ay sa gitna ng paghahain ng kaso para mapigilan ang konstruksiyon sa pamamagitan ng temporary restraining order.

Pero nasa korte na ang kaso at doon na dapat magpali­wanag ang DMCI at patunayan ang kanilang sinasabing naka­tugon sa requirements.

At sana ay ipaliwanag din ng DMCI kung bakit noong una ay pitong palapag lang ang inaprubahan sa kanilang proyekto.

Bukod sa DMCI, dapat magpaliwanag din ang konseho ng Maynila kung bakit nila nirebisa ang naunang permit at na­­umpisahan ang konstruksiyon ng 49 na palapag na condominium building.

Umaasa naman ang lahat sa ilalabas na TRO sa proyekto habang iniimbestigahan  ang konstruksiyon.

Mahalagang maimbestigahan at malaman lang ng publiko kung magkaroon ba talaga ng maniobra sa proyekto at ang posibleng pananagutan ng konseho ng Maynila.

Pero mahalagang magkaroon ng TRO hangga’t hindi nare­resolba ang eskandalong ito.

Imbestigahan din ng Ombudsman ang mga lokal na opisyal ng Maynila upang mapanagot kung meron man.

Pero kung mapapatunayan na walang nangyaring sabwatan at pag-abuso sa pag-aapruba ng proyekto, dapat lang irespeto at ituloy na ang proyekto.

Pero umaasa ako na masasampolan ng korte ang DMCI para magsilbing babala sa mga negosyante.

BUKOD

DMCI

IMBESTIGAHAN

KUNG

MAHALAGANG

MAYNILA

PERO

PROYEKTO

UMAASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with