Superfoods

DAHIL sa aking new-found lifestyle kung saan mas pro­active ako sa pagiging healthy, mas mapili sa kinakain at conscious­ sa pag-eehersisyo, natagpuan ko ang mga tinaguriang superfoods:

Spirulina -- dahil sa taglay na sustansiya at pinakamataas na lebel ng protina. Bukod sa malaking papel nito sa weightloss, unti-unti na ring kinikilala ang Spirulina bilang gamot sa allergies­ at pamamaga, nakokontrol din nito ang blood pressure at nakapagpapalakas ng immune system. Ang Spirulina ay pinaniniwalaang sinaunang halaman o blue-algae. Taglay nito ang 65-70% kumpletong protina. Mainam itong dietary supplement sa mga nagpapaganda ng katawan.

Quinoa -- ang aking kinalolokohang rice-substitute ngayon. Dahil hindi na ako sanay kumain ng puting kanin, ang Quinoa ang best bet ko. Mataas sa protina at mataas ang antioxidant power. Mayaman din ito sa magnesium, fiber at zinc. Nakakapagpataas ng lebel ng enerhiya habang nagpapababa ng blood sugar level. Ito na ang pinakamasustansiyang butil ngayon.

Maca Powder -- mainam sa pagpapahimbing ng tulog, magandang lunas sa stress at mabilis ang physical recovery. Binabalanse rin nito ang hormones ng katawan at pinipigilan ang mati­tinding cravings para sa matatamis at carbohydrates. Mainam din itong panlaban sa dysme­norrhea ng mga kababaihan.

Cacao Nibs -- pamalit ko sa tsokolate. Kapag nagki-crave ako sa matamis, ito ang aking nginangata. Matamis ngunit mainam sa cholesterol level, pagdaloy ng dugo at mayaman sa magnesium. Malaki ang papel sa metabolismo at enerhiya. Mataas sa iron. Muscle at stress relaxant din ito lalo na kung madalas at intense ang pagwo-workout.

Chia Seeds -- mataas sa Omega-3 na mainam sa puso at nagpapababa ng blood sugar­, cholesterol at nagbi­bigay ng energy-boost!

Show comments