^

Punto Mo

10 Istorya ng ‘True Love’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Allergy

Ang babae ay may allergy sa 15 klase ng pagkain. Grabe ang pangangating nararanasan nito kapag nagkamali siyang kumain ng mga bawal sa kanya. Ang babae ay may boyfriend. Inalam nito kung anu-ano ang bawal na pagkain na magbibigay problema sa kanyang girlfriend. Simula noon ay nagbago ang diet ng boyfriend. Hindi na siya kumakain ng mga pagkaing bawal sa kanyang girlfriend.

Ano ang nagtulak sa boyfriend na hindi na rin kumain ng pagkaing bawal sa girlfriend? Minsang nag-lips to lips sila ng girlfriend ay katatapos lang niyang kumain ng isang pagkaing hindi niya alam ay nagdudulot ng problema sa girlfriend. Pagkatapos maghalikan, namaga ang lips at mukha ng girlfriend.

 2. Alzheimer’s Disease vs. Dakilang Pag-ibig

Ang matandang mag-asawa na parehong ang edad ay nasa 80 plus ay magkasabay na isinugod sa ospital ng kanilang mga anak. Ang matandang babae ay mataas ang lagnat. Limang  taon na itong may Alzheimer’s disease. Ang kanyang asawa naman ay inatake sa puso. Magkahiwalay sila ng room sa ospital. Kinagabihan, himalang bumalik sa kanyang sarili ang matandang babae. Nakilala niya ang kanyang anak na nagbabantay. “Loida, nasaan ang Daddy mo? ”

Nagulat ang anak. Hindi na tuloy nailihim ang kalagayan ng ama. Pero hindi sinabi ang tunay na kalagayan. “Mommy, sabay kayong nagkasakit ni Daddy at pareho namin kayong isinugod dito sa ospital. Nasa ibang room si Daddy.”

“Please, dalhin mo ako sa kanya. Gusto ko siyang makita.”

Inakay ng anak ang kanyang ina sa kinaroroonan ng ama na noon ay hindi pa binabalikan ng malay. Walang sabi-sabi na humiga ito sa tabi ng asawa. Hinalikan ang pisngi ng asawa at saka nagsalita sa anak. “Dito muna ako matutulog”.

Nakatulog ang matandang babae sa tabi ng kanyang asawa. Nang gabing iyon ay sabay na pumanaw ang mag-asawa… na magkayakap.

ANO

ASAWA

DAKILANG PAG

DITO

GIRLFRIEND

GRABE

HINALIKAN

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with