John Adams
Siya ang ikalawang US President. Nang tumira sila sa White House, wala pa itong opisyal na pangalan. Executive Mansion pa lang ang tawag dito. Mula sa kanilang orihinal na tahanan sa Philadelphia, nagtungo sila sa Washington DC. Sa kanilang buong pagtataka, ilang oras na silang paikut-ikot ngunit hindi nila matagpuan ang Executive Mansion. Naligaw pala sila at napapunta sa gubat.
John Quincy Adams
Siya ang 6th US President at anak ni John Adams. May ugali itong lumangoy nang hubo’t hubad tuwing 5 a.m. sa Potamac river, malapit sa White House. Ayaw niyang magpa-interview sa kaisa-isa at pinakaunang babaeng journalist sa America, si Ann Royall. Ang ginawa ni Royall ay sinundan ito sa Potamac river, kinuha ang damit ng presidente at nangakong ibibigay lang ito kung magpapa-interview. Nagtagumpay ang makulit na reporter.
Andrew Jackson
Siya ang pinakaunang presidente na nakaligtas sa assassination. Nang pinaputok ng assassin ang baril sa una at ikalawang pagkakataon, hindi ito tumama sa kanyang target, si Jackson. Nagkaroon ng pagkakataon ang presidente na makatakbo palapit sa tangengot na assassin para hampasin sa ulo nang walang humpay gamit ang kanyang tungkod.
Milliard Filmore
Ang 13th US President. Pagkakalooban sana siya ng honorary degree mula sa Oxford University pero tinanggihan niya ito dahil ang diploma na iniabot sa kanya ay nakasulat sa Latin. Hindi raw niya ugaling tumanggap ng papel na ang nakasulat ay hindi niya maintindihan.