^

Punto Mo

Manong Wen (49)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“T ITINGNAN ko kung mapapadalas ang pagpunta ko rito, Princess. Basta darating na lamang ako,” sabi ni Jo nang magpaalam para lumuwas ng Maynila.

“Mas masarap po at sa­riwa ang hangin dito. Okey lang naman pong matulog ka rito sa bahay namin. Wala namang masama dahil kaibigan ka ni Tatay.’’

Napangiti lang si Jo.

“Mas napapanatag po ang kalooban namin ni Precious kapag narito ka Mang Jo. Para pong mayroon ka­ming tagapagtanggol.’’

“Sige at sisikapin kong makadalaw nang madalas dito.’’

“Sige po. Pero sana huwa­g mo kaming biglain sa pagdating mo at baka wala man lang akong maipakain. Sana alam ko kung kailan ka darating.’’

“Teka, may cell phone ka ba?”

“Naku wala po. Mula po noong namatay si Tatay ay hindi na ako nag-cell phone. Para po walang gastos.’’

“Ganun ba? Teka…” may dinukot sa bag niya si Jo. Cell phone. Bago pa ang cell phone. “Eto sa’yo na ito. Iti-text kita kapag uuwi ako para hindi ka nabibigla. Bago pa ang cell phone na ’yan.’’

“Naku salamat, Mang Jo. Nun ko pa sana gustong magka-cell phone pero wala namang pambili. Salamat po uli.’’

“No problem. Sige, aalis na ako. Mag-ingat kayong magkapatid. Pag­butihin ang pag-aaral.’’

“Opo. Pinagbubuti po namin ang pag-aaral.’’

“Mag-ingat ka rin habang nagtitinda ng bibingka. Kung napapagod ka na sa pagti­tinda, puwede mo nang iwanan yan at mag-concentrate na lamang sa pag-aaral.’’

“Naku hindi po. Kayang-kaya ko po ang pagtitinda ng bibingka. Sanay na po ako, Mang Jo.’’

“Sige kung yan ang pasya mo. Aalis na ako, Princess.’’

“Ingat po.”

Umalis na si Jo. Habang papalayo ay tinatanaw siya ni Princess. Nang hindi na matanaw ay isinara na nito ang pinto. Hawak niya ang cell phone na ibinigay ni Mang Jo. Napakabait talaga ni Mang Jo.

 

KINABUKASAN, ma­agang nagluto ng bibingka si Princess. Nang makapag­luto ay agad nang dinala sa kanyang mga suki. Kaila­ngang madispatsa ang mga bi­bingka dahil mamayang hapon ay may klase siya.

Mabilis niyang naibenta ang mga bibingka. Pinakyaw ng isang customer niya. Ubos lahat.

Naglalakad na siya pauwi nang may tumawag sa kanya.

“Princess!”

(Itutuloy)

 

CELL

MANG JO

NAKU

NANG

PHONE

SHY

SIGE

TATAY

TEKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with