^

Punto Mo

Checkpoints, pinalawak

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dahil nga sa pumasok na ang ‘ber months’ kung saan inaasahan ang pagtaas ng mga street crime, tinugunan ito  ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa pamamagitan nang pagpapaigting ng checkpoints sa mga public utility vehicles (PUVs)  partikular sa Metro Manila.

Kung ang mga motorsiklo nga naman na ngayon ay pala-ging isinasailalim sa pagbusisi  sa mga checkpoint at maging ang ilang pribadong sasakyan, bakit hindi nga naman ang ilang pampublikong sasakyan na rito madalas ding mangyari ang mga holdapan.

Kaya sa pinalawig na ‘Oplan Sita’ posibleng magsasagawa na rin umano ang PNP ng random  checkpoint sa mga pampublikong sasakyan.

Bukod dito, kung sa mga pampublikong bus ay ikinalat noon ang mga  marshals na lalaban sa mga holdaper sa mga pampublikong bus, ngayon ikakalat din ang ganitong uri ng marshals sa mga pampublikong jeep na rito madalas na ring mag-operate ang mga kawatan.

Kadalasan pa ngang nagiging biktima sa holdapan sa mga jeep eh,  mga kawawang estudyante.

Ayon pa sa NCRPO sa bawat istasyon ng pulisya ay   bubuo ng tatlong teams para sa nasabing checkpoint  at  ito’y kailangang ipatupad  ng 24/7.

Habang papalapit nang papalapit ang holiday season sa buwan ng Disyembre, eh siya namang pagdami ng mga nagaganap na street o petty crime sa Kalakhang Maynila kaya nga marapat lang na ibat-ibang strategy ang isagawa ng PNP para ito malabanan.

Hindi lang isa, kundi marahil kailangang pagsabay-sabayin ang estratihiya para maibsan ang takot ng marami nating mga kababayan sa matinding mga krimen at karahasan sa mga lansangan.

Pero dapat tutok talaga at hindi hanggang umpisa lamang.

 

AYON

BUKOD

DISYEMBRE

HABANG

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

OPLAN SITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with