Solusyon ang kailangan

NAGSIMULA  na kahapon ang imbestigasyon ng senado sa napakaraming problema sa operasyon ng MRT.

Nakumpirma ang napakaraming kapalpakan at ka­pabayaan sa mga nanganga­siwa ng MRT sa pangunguna ng DOTC.

Nabisto rin ang napakaraming paglabag sa kontrata ng MRT Corporation na dapat ay may responsibilidad sa maayos ng pagmamantine ng mga tren at pasilidad nito.

Ayon kay Sen. Chiz Escudero ay dapat lang agad kasuhan ng DOTC ang MRTC dahil hindi ito nakatugon sa kontrata.

Eh pero bakit nga hindi kumikilos ang DOTC? Baka naman mayroong pakinabang o anomalya?

Habang umuusad ang imbestigasyon ng Senado ay maka­kabuting mahubaran ang mga alegasyon ng anomalya.

Maraming naniniwala na kung walang anomalya  ay hindi magkakaroon ng kapalpakan sa pangangasiwa lalo na sa isyu ng maintenance.

Hayaan natin ang imbestigasyon pero ang kailangan dito ay ang dagliang solusyon sa problema at maging ligtas ang mga pasahero.

Nasa P57 milyon kada buwan ang budget sa pagmantine sa tren  at dapat ay magkaroon ng  pag audit dito kung saan napupunta ang nasabing budget.

Dapat ay kumilos ang DOTC dahil reponsibilidad nito na protektahan ang publiko partikular ang commuters.

 

Show comments