^

Punto Mo

‘Pekeng pera’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NGAYONG “ber” months, mag-ingat sa mga sindikatong nagpapakalat ng mga pekeng pera.

Ito ’yung mga counterfeit money na ginagawa ng mga putok sa buhong mapanlinlang sa Metro Manila saka dadalhin sa iba’t ibang mga probinsya.

Inihahalo nila ito sa mga totoo at lehitimong bulto ng pera para makasalisi na ipinambibili nila sa mga tiangge kung saan dagsaan ang mga tao at mamimili.

Hindi na ito bago BITAG. All year round ang modus na ito subalit mas agresibo at aktibo ang mga kolokoy tuwing sumasapit ang “ber” months.

Kuwidaw! Posible kasing mabiktima kayo at masingitan ng mga fake money habang abala kayo sa pamimili.

 Dati pa, kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mabenta ang pekeng pera tuwing sasapit ang “ber” months.

Patuloy na namamayagpag ang underground industry na ito dahil mayroong demand at suplay sa merkado. Depende sa denominasyon, binibili ang mga pekeng pera sa murang halaga.

 Kung hindi ka bihasa sa security features ng totoo at lehitimong pera, tiyak mahuhulog ka sa BITAG ng mga sindikato!

Upang hindi mabiktima ng mga kumag na halang ang bituka, abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

Para sa iba pang mga modus tips, mag-log-on sa bitagtheoriginal.com click “MODUS BUSTER.”

Mag-ingat, mag-ingat!

BANGKO SENTRAL

DATI

INIHAHALO

KUWIDAW

METRO MANILA

PATULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with