^

Punto Mo

16-Anyos na Fil-Canadian, nakaimbento ng flashlight na umiilaw gamit ang init ng katawan ng tao

- Arnel Medina - Pang-masa

SI Ann Makonski, 16, estudyante, may dugong Pinoy mula Victoria, Canada ay nakaimbento ng isang kakaibang flashlight na hindi gumagamit ng baterya. Sa halip, umiilaw ito sa pamamagitan ng init ng katawan mula sa taong may hawak nito.

Simple lang gamitin ang naimbentong flashlight ni Ann, kailangan lamang na hawakan ang flashlight ng taong gumagamit upang ito’y umilaw.

Ang sikreto sa likod ng simple pero kamangha-manghang imbensyon ni Ann ay ang tinatawag na thermo­electric technology. Ang teknolohiyang ito ang nagko-convert ng init mula sa kamay ng humahawak sa flashlight upang maging kuryente na magpapailaw sa bumbilya ng flashlight.

Ayon kay Ann, naisip niyang umimbento ng flashlight na hindi kailangan ng baterya nang minsang malaman niya na may mga kaibigan siya sa Pilipinas na hindi makapag-aral sa gabi dahil walang ilaw sa kanilang lugar. Hangad niyang maka­tulong ang kanyang naimbento para sa mga kabataang naapek­tuhan ang edukasyon dahil sa kakulangan ng kur­yente sa kanilang lugar.

Dahil sa kanyang naimbento ay nagkamit si Ann ng maraming parangal. Naimbitahan na siya sa ilang progra­mang pantelebisyon sa Amerika at maging ang Google ay binigyan siya ng scholarship bilang premyo dahil sa imbensyon.

Ngunit hindi sa kanyang naimbentong flash­light nagta­tapos ang misyon ni Ann na tulungan ang mga kabataang nangangailangan ng liwanag para sa kanilang pag-aaral. Sunod niyang plano­ na gumawa ng isang lampara na hindi rin kailangan ng baterya.

 

AMERIKA

ANN

ANN MAKONSKI

AYON

DAHIL

FLASHLIGHT

GOOGLE

HANGAD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with