Ang Agostro 19 ay dakilang araw
Pagka’t kaarawan ng taong nagmahal
sa sariling wika nitong ating bayan
ang wikang Tagalog na kanyang minahal!
Noong nabubuhay si Pangulong Quezon
ang sariling wika kanyang isinulong;
ang Wikang Tagalog na kilala noon
pagka’t may batas pang siya ang nag-awtor!
Sinabi ni Quezon na Tagalog lamang
ang dapat na wika nitong sambayanan
at saka may batas siyang nilagdaan –
Tagalog ang ating wikang itatanghal!
Subali’t binigo nang maraming tao
adhika ni Quezon dumakila tayo
iba’y ibang wika ang ginamit dito
kaya tayo’y bansang wika’y halu-halo!