‘UDMC Comatose’

SA halip na mapabuti ang kalagayan at gumaling sa karamdaman, naging lantang gulay ang isang pasyente sa loob mismo ng ospital.

Ito ang reklamong inilapit ng pamilya ng isang lalaki sa BITAG. Kapabayaan ng mga doktor at nars sa pagamutan ang itinuturo nilang dahilan.

Si Jon-jon, biktima umano ng kapabayaan ng mga dalubhasa sa United Doctors Medical Center (UDMC).

Ayon sa inang si Aling Lily, dinala niya sa ospital ang 32-anyos na anak dahil sa simpleng pananakit ng tagiliran.

Matapos isailalim sa mga eksaminasyon si Jon-jon, natukoy na may sakit siya sa baga at kinakailangang makabitan agad ng tubo para matanggal ang tubig dito.

Pero makalipas ang ilang araw na pananatili sa intensive care unit (ICU) ng UDMC, laking gulat ng pamilya ni Jon-jon dahil lalo lang umanong lumala ang lagay ng binata.

Lantang gulay na rin ito o nasa estadong comatose na. Hindi na makausap at nakatingin nalang sa kawalan.

Ang tanging payo nalang umano ng pamunuan ng UDMC sa pamilya ni Jon-jon, iuwi at alagaan nalang sa bahay ang pasyente at maghintay ng himala.

Panoorin muli ang advance screening ng “UDMC Comatose” mamayang alas-6:00 ng gabi sa bitagtheoriginal.com.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

Show comments