^

Punto Mo

Pagtanaw ng Utang na Loob

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NASA second year si Iza ng kursong Psychology nang atakihin sa puso ang kanyang ama na si Mang Nato. Dahil wala namang naipon at isang kahig, isang tuka lamang sila, ang mayamang kapatid ni Mang Nato ang sumagot sa lahat ng gastos sa ospital kasama na ang pambili ng gamot na iinumin nito. Bukod dito, sagot din ng kapatid ni Mang Nato ang pagkain ng mag-ama sa araw-araw. Solong anak si Iza dahil namatay ang nanay niya nang ipanganak siya.

Nahihiya man ay ipinakiusap ni Mang Nato sa kanyang kapatid na kung maaari ay tulungan nito ang anak na makapagpatuloy ng pag-aaral. Dahil likas na mabait ang kapatid ni Mang Nato kaya pumayag ito na siya na muna ang gagastos sa pag-aaral ng pamangkin.

Ngunit may napuna ang kapatid ni Mang Nato sa kanilang mag-ama. Halos mag-iisang taon na siyang patuloy na nagsusustento sa mag-ama at nagbibigay ng pang-tuition kay Iza pero ni isang pasasalamat ay wala siyang natanggap sa mag-ama. Basta tanggap lang nang tanggap ang mag-ama.

Sabagay naisip ng mayamang kapatid na mahina ang ulo ng kanyang kapatid na si Nato kaya nga ito lang ang hindi nakatapos ng pag-aaral sa kanilang magkakapatid. Puwede niyang unawain, na marahil, dala ng kakulangan sa talino ay hindi naisip ng kapatid na importante ang pagpapasalamat. Ang hindi niya mapapatawad ay ang pamangking si Iza. Psychology student pa naman pero hindi marunong magpasalamat? Hindi marunong magbigay ng pagpapahalaga sa mga taong nakatutulong sa kanila. Kaya isang desisyon ang ginawa ng mayamang kapatid: Putulin ang tulong pinansiyal sa pag-aaral ng pamangkin. Wala pala itong kuwentang tulungan. Ang hindi lang pinutol ay ang sustento sa pagkain at gamot dahil baka ikamatay ito ni Mang Nato. Kung hindi na nag-aaral, baka maisip ni Iza ang kahalagahan ng pag­tulong ng tiyuhin sa kanila.

Gratitude is the sign of noble souls.” — Aesop

AMA

BUKOD

DAHIL

IZA

KAPATID

MANG

MANG NATO

NATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with