15 Paraan ng Pagpapasikat
…na hindi lumalabas na “nagmamaganda” ka:
Maging totoo sa sarili. Sabi nga ni Judy Garland, sikat na artista at mang-aawit na Amerikana noong panahon ng vaudeville: Maging orihinal na ikaw at huwag manggaya ng katauhan ng ibang tao. Paano ka magugustuhan ng ibang tao, kung ikaw mismo ay nagtatakwil sa sarili mo?
Ugaliing magpasaya ng ibang tao. Bakit sikat si Vice Ganda? Dahil magaling siyang magpasaya ng mga tao. Ngunit hindi mo kailangang maging komedyante para magpa-impress, just make others feel good. Ang memorya ng tao ay mahina sa pag-alala ng mga nagawa or achievements ng ibang tao, ngunit magaling sila sa pag-alala kung ano ang naramdaman nila noong may ginawa ka sa kanila, maging ito ay mabuti o masama.
Panindigan ang anumang gagawin mo sa buhay.
Irespeto ang lahat ng tao, maging bata man o matanda. Lumilikha ng impresyon na mabait ang isang tao kung marespeto siya sa kanyang kapwa.
Ugaliing magsalita ng “please at thank you”.
Maging “pinakamagaling” sa mga ginagawa mo, maging ikaw ay simpleng janitor o manager ng malaking kompanya.
Magbasa, magtanong, mag-research para hindi ka lang tutunganga o tatango sa mga discussions.
Maging loyal sa asawa o karelasyon.
Sa mundong ito na lahat ng tao ay tila nagmamadali, kapuri-puri ang taong ititigil niya ang kanyang ginagawa upang ibigay ang kanyang oras sa kaibigang naghahanap ng makakausap sa oras ng kanyang kalungkutan.
Purihin ang ibang tao kung kinakailangan.
Magsalita nang malinaw at makipag-eye contact kapag nakikipag-usap.
Iparamdam mo sa mga taong nakapaligid sa iyo na madali kang lapitan.
Ilabas at gamitin ang lahat ng talento mo na hindi lalabas na nagmamagaling ka.
Panindigan ang iyong paniniwala ngunit iwasang makipagtalo.
Maging honest sa lahat ng oras.
- Latest