^

Punto Mo

Tips & Tweets (Tips mula sa Twitter)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Habang gumagawa ka ng iyong sandwich at may pumuna sa iyo na sobra kang maglagay ng peanut butter sa iyong tinapay, tigilan mo na ang pakikipagkaibigan sa kanya. Hindi mo ka­ilangan ang taong may ganoong klaseng “negativity”.

Mga pagkaing nagpapatagihawat: hipon, oyster, spinach, bacon, bologna, cheeseburger, cheese, caffeine, processed food,  popcorn, tacos, pancake, pizza, French fries.

Ang dalawang bagay na humahadlang upang makamtan natin ang maligayang buhay: Nabubuhay pa rin sa nakaraan at pag-obserba sa buhay ng iba.

Makati ang kagat ng lamok? Pahiran ang affected area ng tuyong sabon panligo.

Paano malalaman kung ang pangkaraniwang battery kagaya ng Eveready ay puwede pang gamitin: Itaas ng 6 inches ang battery mula sa pantay na konkretong sahig, saka ibagsak. Kung tumalbog ng isang beses, may energy pa. Kung tumalbog ng higit sa isa, ubos na ang energy nito at itapon na.

Sekreto ng masasayang tao: Nagmamahal nang walang kondisyon. Nagsasalita nang walang masamang intensiyon.  At higit sa lahat nagbibigay sa kapwa nang walang ekspektasyon.

Kung hindi ka nila kakilala nang personal, huwag personalin ang anumang sasabihin nila sa iyo.

Huwag mong agad igi-give up ang isang tao o bagay na hindi ka makakatagal na wala sila kahit sa isang araw lamang.

Kung nagsisimula ka nang magtanong sa iyong sarili kung mapagkakatiwalaan mo pa ba ang isang tao, senyales iyon na ang sagot ay HINDI.

EVEREADY

HABANG

HUWAG

ITAAS

KUNG

MAKATI

NABUBUHAY

NAGMAMAHAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with