^

Punto Mo

Mga sumikat na ‘Last Words’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang “Last Words” ay huling nasambit ng isang tao bago siya malagutan ng hininga.

1) “Patawad, Sir, hindi ko po sinasadya.”

Nasambit ito ni Queen Marie Antoinette matapos niyang matapakan nang hindi sinasadya ang paa ng executioner (taong naka-assign na pupugot ng kanyang ulo) habang naglalakad siya patungo sa pugutan ng ulo.

2)  “Hindi ako makatulog.”

Sinabi ito ni JM Barrie bago siya mamatay. Siya ang sumulat ng Peter Pan.

3) “Mabuhay ako!”

Sinabi ng isang Roman Emperor habang pinagtutulung-tulungan siyang patayin ng kanyang mga sundalo.

4) “Dammit… Puwede ba, huwag na huwag kang makikiusap sa Diyos na tulungan ako!”

Pasigaw itong sinabi ni Joan Crawford sa kanyang katulong nang marinig niyang nagdadasal ito nang malakas. Si Joan Crawford ay sikat na artista sa Hollywood noong 1930s.

5) “Ako’y naguguluhan, Satanas, lumayas ka!”

Sinabi ni Aleister Crowley, isang occultist.

6) “Bakit ko kaya ginawa ito?”

Sinabi ni General Willian Eskirne pagkatapos niyang tumalon mula sa bintana ng building sa Lisbon Portugal noong 1813.

7) “May sakit ako, tumawag kayo ng doktor.”

Mao Zedong, Communist Leader ng China.

8) “Bukas, wala na ako dito.”

Nostradamus

9) “Pakiusap, huwag ninyo akong hahayaang mahulog.”

Sinabi ni Mary Surrat bago siya bitayin sa pamamagitan ng pagbigti. Siya ang pinakaunang babae na binitay ng US Federal government sa pakikipagsabwatan sa pagpatay kay President Lincoln.

vuukle comment

ALEISTER CROWLEY

COMMUNIST LEADER

GENERAL WILLIAN ESKIRNE

JOAN CRAWFORD

LAST WORDS

LISBON PORTUGAL

MAO ZEDONG

MARY SURRAT

PETER PAN

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with