^

Punto Mo

Ano ang mga bisyo ng tao?

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

IBA’T IBANG tao ay may kanya-kanyang hilig. Maraming klase ang “addict” na Pinoy.

Droga - Mayroong 3.4 milyong gumagamit ng droga sa Pilipinas. Laganap talaga ang problemang ito sa bansa natin. Bakit ba nawiwili dito? Tumataas kasi ang kemikal na dopamine sa utak ng mga alcoholic at drug addict. Ito ay nakapagbibigay ng panandaliang sarap o “high.”  Masama ang droga at huwag nang subukan ito.

Alak - 8% ng populasyon ay alcoholic. Ang ibig sabihin ay hindi nila mapigilan ang pag-inom ng alak. Alam n’yo ba na ang alak ay hindi talaga nagpapasaya, at sa katunayan ay nakapagdudulot pa ng depression.

Pagkain – Ayon sa pagsusuri, 15% ng mga tao ay addict sa pagkain. Oo, di biro iyan. Ang Bulimia ay isang sakit ng sobrang pagkain, pagkatapos ay isinusuka nila.

Sigarilyo – Sa Pilipinas, 47% ng kalalakihan ay naninigarilyo, at 16% ng kababaihan ay nagyoyosi rin. Pero ang masaklap dito ay 33% ng ating kabataan ay naninigarilyo na pagdating ng edad 14. Masama po ang manigarilyo. Gawin ang lahat para maihinto ito.

Sugal – Base sa pag-aaral, 1% ng mga tao ay addict ay sugal. Sa tingin ko, mas mataas ang bilang ng mga addict sa sugal. Isasali pa ba natin ang mga addict sa lotto, tong-its at sabong?

Kape – Umaabot sa 80% ng populasyon ang malakas uminom ng kape. Nakaka-addict kasi ang caffeine. Babala lang: Ang caffeine ay nagpapabilis ng tibok ng puso at nagpapataas ng presyon ng dugo. Kaya hinay-hinay lang sa pag-inom.

Shopping – Kung ang siyota o misis ay addict sa shopping, patay kang bata ka. Window shopping na lang, ok pa.

Internet – Iyan ang bagong kinahihiligan ng kabataan. Addict sa chat. Addict sa Friendster.

Sex – Huli sa lahat, mayroong ding addict sa sex. Ang kailangan nila ay sex therapist o psychiatrist.

Kung ang pagiging “addict” ng isang tao ay nakasisira sa kanyang trabaho o pagtulog, dapat nang magpatingin sa doktor. Ano ang solusyon sa mga addict? Magkaroon ng tamang pananaw sa buhay. Maging abala sa mabubuting adhikain. Kadalasan ay ikaw din ang makalulutas ng iyong problema. Good luck!

 

 

vuukle comment

ADDICT

ALAK

ALAM

ANG BULIMIA

ANO

AYON

BABALA

MASAMA

SA PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with