^

Punto Mo

Sorry

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

 ISANG video sa YouTube ang kumurot sa aking damdamin. Pinamagatan itong “Apologize.” Kung saan tinuturuan ng isang ama ang dalawang anak nito ng tunay na  diwa ng paghingi ng paumanhin. Basta nakasakit ka ng tao, emosyonal o kahit pisikal, at kahit pa hindi mo ito sinasadya ay mag-sorry ka. Naantig ang damdamin ko sa video dahil humantong sa puntong hinuli ng mga pulis ang babaing hindi nag-sorry sa bata. Na kung iisipin ay isang salita lamang ang kinailangan niyang sabihin upang hindi na lumaki ang sitwasyon. Naisip ko, bakit ba napakahirap sabihin ng “I’m sorry.”

Kapag tayo ang nasaktan, gusto nating mag-sorry kaagad sa atin ang umagrabyado. Pero kapag tayo naman ang nagkakamali, bakit minsan mahirap humingi ng tawad? Bakit ang mga bata napakadaling magsorry? Pero ang mga nakatatanda, hirap na hirap? Gayong mismong mga anak natin ay tinuturuan natin nito. Subalit bakit hirap tayong gawin ito? 

Walang perpekto sa atin. Lahat tayo ay nagkakamali. Pero minsan kahit alam na nating mali tayo sa isang argumento o may ginawang hindi tama, parang ang hirap pa ring humingi ng tawad. Gayong tayo naman ay siyempre gustong makatanggap ng sincere apology kapag may nakaagrabyado sa atin. Pero bakit pagdating sa pagso-sorry, mas madaling tumanggap kaysa magbigay?

For one, there is pride. Sino ba naman ang gustong umaming mali siya, hindi ba? Ngunit, wala namang paroroonan kung paiiralin ang pride. Mareresolba ba ang problema kung mas nananaig ang pride kaysa humility o pagpapakumbaba? Naalala ko noong kasal ng ate ko, sabi ng tatay ko “Pride is the only poison that if you swallow, you will not die.” Kung iisipin, totoo. Pride ang isa sa mga sumisira sa mga relasyon. Pero kung lulunukin ito, magbibigay-daan sa kaayusan.

Pangalawa, maaaring fear of rejection. Dahil natatakot na baka kapag nag-sorry ay hindi naman tanggapin o kaya ay baka lalo pang bastusin. Nagpakumbaba na nga, lalo pang ibinaba at pinamukhang mababa. Hindi maiiwasang ganito ang reaksiyon ng mga na-offend.

Posible rin, dahil para sa ilang kakilala ko, na ang apology para sa kanila ay sign of weakness, na ang pag-amin ng kamalian ay senyales ng kahinaan. Kahihiyan, ito ang dulot ng paghingi ng tawad para sa ibang tao. Nakakahiya ang pagso-sorry.

Sa totoo lang, sibilisado ang taong marunong magpakumbaba at lumugar at humingi ng tawad kung mali. Mas nakakahiya kung nagmamataas pa gayong mali. Walang mawawala sa pagpapakumbaba.

BAKIT

DAHIL

GAYONG

KUNG

PERO

SORRY

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with