TATLONG bangkay na pulos nakagiti, mula sa magkakaibang lugar ang natagpuan ng mga pulis. Naintriga ang hepe kaya inutusan niya ang isang tauhan kung anu-ano ang naging dahilan ng kanilang kamatayan.
Pagkaraan ng tatlong araw ay bumalik ang imbestigador bitbit ang mga detalye ng kanyang imbestigasyon:
Unang bangkay: Isang 72-year old na mayamang lalaki. Inatake siya sa puso habang nakikipagtalik sa kanyang napakaganda at seksing 19 na taong gulang na misis. Sino ba ang hindi mapapangiti sa ganitong sitwasyon?
Pangalawang bangkay: Lalaki, 32 years old, sidewalk vendor. Kapapanalo lang ng jackpot sa lotto ng lalaking ito nang binawian ng buhay. Ilang bote ng mga mamahaling alak ang tinungga niya nang gabing namatay siya. Noon lang niya natikman ang iba’t ibang masasarap na alak kaya napangiti siya sa oportunidad na iyon. Kaya lang ay napasobra ang inom, kaya namatay siya sa alcohol poisoning.
Ikatlong bangkay: Pulitiko, 55 years old, tatakbo siyang congressman sa darating na eleksiyon. Kasalukuyan siyang namimigay ng relief goods sa mga nasunugan nang tamaan siya ng kidlat.
“Ano naman ang kangiti-ngiti doon? Makukuha mo pa bang ngumiti kung tinamaan ka ng kidlat?,” tanong ng hepe sa imbestigador.
“Sir, ang akala raw kasi ay kinukunan siya ng picture.”