^

Punto Mo

Pintor sa Netherlands, nagpipinta gamit ang kanyang mga kamao

- Arnel Medina - Pang-masa

KUNG iisipin, mahirap paghaluin ang sining ng pagpipinta at pagboboksing pero ito ang ginagawa ng isang pintor sa Netherlands. Nagpipinta siya gamit ang kanyang mga kamao.

Siya si Bart Van Polanen. Bago naging pintor,  dati siyang boksingero. Nagsanay siya ng pagboboksing sa ilalim ng sikat na boksi­ngerong si Joe Frazier at nakailang propesyunal na laban din siya. Mayroon din siyang sariling boxing gym.

Bagama’t ngayon ay nasa pagpipinta na ang pokus ni Bart, malaki pa rin ang impluwensya ng kanyang naging karanasan sa pagboboksing sa kanyang sining.

Bago simulan ni Bart ang kanyang mga obra, magsusuot muna siya ng boxing gloves. Kapag suot na ang gloves, isasawsaw niya ang mga ito sa pintura at susuntok nang malakas sa isang punching bag na nababalutan ng canvas. Nabubuo ang kanyang obra mula sa mga pinturang tumilamsik sa canvas matapos niyang suntukin.

Para kay Bart, ang mga larawan na kanyang ipininta gamit ang kanyang mga kamao ay biswal na representasyon ng kanyang galit at bagsik na nailalabas niya sa pagbo­boksing.

Ipinagmamalaki ni Bart ang kanyang kakaibang istilo ng pagpipinta dahil naka­gagawa siya ng sining mula sa boxing.

vuukle comment

BAGAMA

BART VAN POLANEN

IPINAGMAMALAKI

JOE FRAZIER

KANYANG

KAPAG

MAYROON

NABUBUO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with