NARITO ang samu’t saring mga payo. Baka may mapulot kayo.
• Enjoy your youth. Minsan ka lang bata, single at malakas at wala pa gaanong responsibilidad.
• Huwag masyadong mag-alala sa iyong hinaharap. Wala itong magagawa. Hindi naman maiiba ang hugis ng kinabukasan mo kung mag-aalala ka ngayon. And besides, God will provide.
• Huwag padalus-dalos sa pagpapasya, lalo na kung maaa-pektuhan ang buhay at damdamin ng iba.
• Huwag magtitiis sa mga taong hindi pinag-iingatan ang puso mo at sa mga hindi ka tinatratong tao.
• Huwag sayangin ang oras sa pagseselos, pagtsitsismis at inggit.
• Huwag ma-guilty kung hindi mo pa alam ang gagawin mo sa buhay mo. Sabi nga nila life starts at 40.
• Magbasa-basa para madagdagan ang nalalaman mo.
• Mahalin ang mga magulang dahil hindi mo alam kung kailan sila mawawala.
• Kapag may umaapi sa iyo nang walang dahilan, talikuran mo. Ikaw na ang umiwas. Dahil alam mong wala siyang mabuting maidudulot sa iyo. Madalas, mas mainam ang maging mabait kaysa maging tama.
• Kung wala kang mabuting sasabihin, itikom mo na lang ang bibig.
• Hindi mo kailangan ng napakaraming kaibigan. You only need a few, true ones.
• Huwag abusado. Don’t push your luck too much.
• Kaibiganin ang lahat. Walang mawawala sa pagtatanim ng friendship.
Kung ano ang ibigay mo, siya ring babalik sa iyo.
• Spend your money wisely. Kung gusto mo ng secured life bukas, mamuhay ng payak ngayon.
• Matutong gumalang. Hindi lamang sa mga nakatatanda, kundi pati na rin sa mas mababa sa iyo.
• May mga bagay na hindi natin mababago kaya wala talaga tayong choice kundi tanggapin ito.
• Maglakbay. Iba ang kaligayahang dulot ng may bagong lugar kang napupuntahan from time to time.
• Mag-ingat kung kaninong payo ang susundin. Dapat na ipinagdasal ang mga kaibigang tatakbuhan mo, na sana ay para sa ikabubuti mo ang kanilang ipapayo.