^

Punto Mo

EDITORYAL - Ituloy ang K to 12

Pang-masa

NGAYON mag-uulat sa sambayanan si President Aquino. Idedetalye niya sa kanyang ikalimang SONA ang mga nagawa ng kanyang administrasyon. Isa sa maaaring ireport niya ay ang tungkol sa K to 12 program. Ngayong taon inumpisahan nang pormal ang K to 12 at marami ang nagsasabi na dapat ituluy-tuloy ito at paglaanan pa nang pondo sapagkat nakikita ang magandang kahihinatnan ng mga kabataan. May magandang makakamtan sa programang ito.

Hindi naman dapat pakinggan ang panukala ni Sen. Antonio Trillanes IV na dapat suspendehin ang K to 12. Ayon sa senador, dapat suspendehin ang programa sapagkat maraming problemang kinakaharap. Hindi raw ito uubra sapagkat hindi handa ang pamahalaan sa programang ito. Unahin daw muna ang mga pangunahing problema sa sektor ng edukasyon bago itong K to 12. Ilan sa mga binanggit ni Trillanes ay ang problema sa kakapusan ng mga classroom, kakulangan sa mga guro, at ang mababang sahod ng mga guro. Sabi ni Trillanes, nagkaroon daw siya ng konsultasyon sa mga nagpanukala ng K to 12 program at nakita niyang walang kahandaan dito ang kasalukuyang pamahalaan. Kaya ang suhestiyon niya ay suspendehin habang maaga pa ang programa at pagtuunan muna ang mga problema ng education sector. Malaking problema rin aniya ang kahahara-ping retrenchment ng 85,000 college professors at employees sa 2016 kapag hindi sinuspende ang K to 12.

Bakit ngayon lang nagsalita si Trillanes? Kung kailan nakaporma na at naikasa na saka naman niya sasansalain ang K to 12. Kung talagang may pagmamalasakit ang senador sa sector ng edukasyon, dapat noon pa siya nagpanukala na resolbahin ang kakulangan sa classrooms at guro. Dapat noon pa siya nagpakita nang pagtutol dito.

Sa ilalim ng K to 12 ang mga estudyante ay nararapat dumaan sa kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school at dalawang taon sa senior high school. Magkakaroon ng kasanayan ang mga estudyante sa sistemang ito. Handang-handa na sila. Huwag ipagpaliban ang pro­gramang ito.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

AYON

BAKIT

DAPAT

HANDANG

HUWAG

PRESIDENT AQUINO

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with