Deserve mo!

SA lahat ng iyong pinagpaguran, you deserve to rest.

Sa lahat ng iyong pagpupuyat, you deserve to sleep.

Sa lahat ng pagkakataong makihalubilo na iyong pinalampas upang matapos ang homework o mag-aral para sa exam, now you deserve to mingle.

Sa iyong 14 na taong pag-aaral, you deserve some vacation.

Sa hindi mo pagbibigay ng sakit ng ulo sa iyong magulang, you deserve a salute or pat on the back.

Sa iyong pagkumpleto ng lahat ng kahingian sa paaralan, you deserve some appreciation.

Sa iyong pagtanggap ng diploma, you deserve a “Congratulations!”

Sa iyong pagmartsa sa pagtatapos ng pag-aaral, you deserve an “I’m proud of you, Anak.”

Sa pagiging isang mabuti, masunurin at responsibilidad na anak, you deserve to get a “You deserve this rest and time off.”

Sa lahat ng iyong paghihirap at pagpupursige, you simply deserve.

Ang pagiging karapat-dapat sa mga bagay ay hindi nagmumula o pinagpapasyahan ng ibang tao, kundi mula sa ating mga sarili. Tayo ang naghirap kaya tayo ang nakaaalam kung ano ang karapat-dapat sa atin. Ang buhay ay hindi lamang tungkol sa purong pag-aaral o pagtatrabaho nang puspusan, walang hinto, walang break. Nakakapagod at nakakasuka ito. Hindi rin tungkol sa purong pagpapakasaya ang buhay dahil wala kang patutunguhan dito. Bagkus ang buhay ay ang pagtamasa ng bunga ng iyong paghihirap at ng karapat-dapat sa iyo. Ang buhay ay tungkol sa pagsisipag at pagpapahinga kapag pagod ka na o kapag alam mong ito ay para sa iyo at matagal mong hinintay. Normal ang magkagustong mamahinga at magbakasyon.

Tao lang. Napapagod din. Kailangan ding mamahinga. Wala namang bayad ang panahon. Walang mawawala kung ibibigay ito. At mas lalong walang mapapala kung ipagkakait ito. Lalo na kung karapat-dapat naman.

Show comments