“ILANG beses mo akong sinilipan?” tanong ni Gab kay Drew.
Hindi makasagot si Drew. Hindi niya mabilang kung ilang beses.
“Hindi ko mabilang, Gab.’’
“E di ang daming beses. Pinagsawaan mo talaga ang katawan ko.’’
“E paanong hindi ko makikita nang maraming beses ang maganda mong katawan e nasa tapat mismo ng bintana ng kuwarto ang batalan. Pagdungaw ko sa umaga, ikaw na ang nakikita kong naliligo. At siyempre, lalaki ako, na mahilig sa magaganda kaya pinanood kita.’’
“Kung talagang may pagrespeto ka sa akin, hindi mo ako sisilipan.’’
“Gab, hindi ko nakontrol ang sarili ko pero kahit na ganoon ang ginawa ko, mahal talaga kita. Kaya nga nagpilit akong hanapin ka. Matiyaga kitang hinanap para ibigay ang kuwintas. Mula noon, ikaw ang laging nasa isip ko. Alam mo bang hindi ako makatulog sa kaiisip kung paano kita makikita? Mabuti na lamang at nakita kita sa isang rally sa Mendiola. Hindi na kita hiniwalayan mula noon. Hanggang sa magkaharap nga tayo…’’
Napatungo si Gab. Nabagbag ang damdamin sa mga sinabi ni Drew. Lumambot ang puso.
“Huwag ka nang magalit. Sabi mo kanina, hindi ka magagalit. At saka ano ba ang ikagagalit mo e hindi ko naman nakuha ang mga “ari-arian” mo.’’
“Hindi mo nga nakuha pero napagsawaan mo nang tingin.’’
“Wala namang masama roon.’’
“Pilyo ka Drew. Bistado mo na ang katawan ko. Baka pati nunal ko sa p…. ay nakita mo.’’
“Nunal sa p….? Anong p?’’
“Pigi.’’
Napahagalpak si Drew.
“Wala ka namang nunal dun.”
“Meron. Maliit nga lang.’’
Nagtawa uli si Drew.
Pagkaraan ay sinuyo si Gab.
“Huwag ka nang magalit ha?”
Napangiti si Gab.
“Ikuwento mo nga kung paano ako natakot sa alupihan kaya nahulog ang kuwintas sa ilalim ng batalan.’’
“Nagsisigaw ka nang makita ang alupihan sa ibabaw ng tuwalya. Takot na takot ka. Hubad na hubad ka noon!” (Itutuloy)