Band group sa Sweden, tumutugtog gamit ang mga instrumentong gawa sa yelo
MASASABING literal na ‘cool’ ang isang band group sa Sweden.
Mula kasi sa pangalan ng banda na Ice Music, pati na sa mga instrumentong gawa sa yelo na gamit ng bawat miyembro, hanggang sa igloo na pinagdarausan ng kanilang mga pagtutugtog – lahat nang bagay na tungkol sa banda ay may kinalaman sa yelo.
Ang lahat nang instrumento na ginagamit ng banda para tumugtog ay gawa sa yelo. Maraming klase ng instrumento ang ginagamit ng banda kabilang na ang gitara, violin, at xylophone. Ang bawat isa ay nililok mula sa mga bloke ng yelo sa loob ng isang linggo. Dahil gawa sa yelo ay mas mabigat ang mga ito kumpara sa mga pangkaraniwang instrumento. May espesyal din na pamproteksyon ang mga instrumento mula sa pagkatunaw dahil kahit ang hininga lang na nanggaga-ling mula sa mga miyembro ng banda ay sapat na upang tumunaw sa kanilang mga instrumentong gawa sa yelo.
Upang hindi rin matunaw ang kanilang mga gamit sa pagtugtog ay minabuti rin ng banda na laging magdaos ng kanilang mga programa sa loob ng isang igloo na may entablado sa loob.
Umaabot sa negative 5 celsius ang temperatura sa loob ng kanilang igloo kaya naman kailangan talagang magsuot ng panlamig kung panunoorin ang banda.
- Latest