^

Punto Mo

Aso, naghintay ng 1 taon sa pag-asang babalik ang namatay na amo

- Arnel Medina - Pang-masa

SI Woody ay abandonadong poodle na na-rescue ng Hope for Paws, isang grupong nagmamalasakit at umaaruga sa mga hayop sa Amerika.

Nang mamatay ang amo ni Woody, ipinagbenta ng pa­milya nito ang kanilang bahay at inabandona na ang kawawang poodle. Walang kaalam-alam si Woody na namatay na ang kanyang amo kaya sa halip magpalaboy-laboy, namalagi siya sa kalapit na silong sa pag-asang babalikan siya ng kanyang amo.

Isang taon nang naghihintay si Woody sa yumaong amo nang matagpuan ng Hope for Paws. Payat na payat at hinang-hina ang aso nang matagpuan. Wala na itong ganang mabuhay dahil tinatanggihan ang mga pagkaing iniaalok sa kanya ng mga sumagip. Kaya minabuti ng grupo na saksakan ito ng dextrose upang hindi tuluyang manghina.

Nang lumaon ay bumalik din ang sigla ni Woody at natuto na ulit itong makisalamuha sa tao. Naging maayos na rin ang kalusugan nito sa tulong ng maayos na pag-aaruga ng mga pansamantalang kumupkop sa kanya.

Ngayon ay naghahanap na ang Hope for Paws ng perma­nenteng mag-aampon kay Woody.

AMERIKA

ISANG

KAYA

NANG

NGAYON

PAYAT

WALA

WALANG

WOODY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with