Uok (215)

“ALAM mo Gab, naiinip na ako. Gusto ko magpakasal na tayo. Kung hindi nga lang gusto kong maging abogado e gusto ko bukas na bukas din ay pakasal tayo,’’ sabi ni Drew.

“Kaunting tiis na lang, Drew. Ngayon ka pa ba maiinip e dalawang taon na lang.’’

“Oo nga.’’

“At ngayon pa ba tayo magmamadali e alam naman nating tayong dalawa ang magkakatuluyan.’’

‘‘Oo. Kaunting tiis na lang.’’

‘‘Lahat nang maganda sa ating kasal ay magagawa natin Drew dahil marami na tayong savings. Kahit saan natin gustuhing magpakasal at idaos ang reception, kayang-kaya!’’

“Akalain mo yun, dahil sa isang Uok pala ay makakamit natin ang lahat nang gusto natin. Akalain mo yun Gab? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako ganap na makapaniwala na magkakaroon tayo nang maraming pera mula sa Uok.’’

“At hindi lang tayo, Drew pati si Daddy at ang Daddy mo. At pati sina Tiyo Iluminado at Tiya Encarnacion.’’

“Oo. Marami tayong nabahagihan ng biyaya.’’

‘‘Kaya kuntento na ako Drew. Kapag nakasal na tayo talagang kuntentong-kuntento na ako.’’

‘‘Siyanga pala mayroon pa pala akong ikukuwento sa’yo. Noon ko pa ito gustong ikuwento pero natatakot ako. Baka ka magalit sa akin…’’

‘‘Ano yun, Drew?’’

‘‘Mamaya ko sasabihin. Dun tayo sa roof deck ng ating building. Gusto ko kapag nagkuwentuhan tayo, e  maliwanag ang buwan at maraming bituin.’’

‘‘Sinasabik mo naman ako, Drew. Ano nga ang sasabihin mo?’’

“Mamaya na. Pero huwag kang magagalit ha?’’

(Itutuloy)

Show comments