^

Punto Mo

Hindi maintindihan ng masang Pinoy ang DAP

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

KAHIT nagsalita na si Pre­sident Noynoy Aquino­ ukol sa Disbursement Accele­ration Program (DAP) hindi pa rin ito naintindihan ng masang Pilipino. Nagsalita si P-Noy sa TV noong Lunes ng gabi at maraming sector ang nagkaroon ng agam-agam na baka mauwi sa banggaan ng Supreme Court at Malacañang ang usapin sa DAP.

Iba’t iba ang reaksiyon depende kung saang kampo nakakampi — oposisyon o administrasyon. Pero ang nakamamangha ay ang reaksiyon ng masang Pinoy na hindi nila naiintindihan ang DAP. Wala raw silang naintindihan lalo na ang isyu na sinabi ni P-Noy na ito ay nakatulong upang sumigla ang ekonomiya at marami raw natulungan batay sa proyektong napondohan.

Maaaring hindi maunawaan ng nakararaming mama­mayan dahil hindi pa nila nararamdaman ang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya at katunayan, marami pa ang naghihirap. Makabubuting lutasin muna ng pamahalaan ang problemang may kinalaman sa pagkain ganundin ang problema sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Umaasa ako na hindi mauuwi sa constitutional crisis ang usapin sa DAP at susundin ng Malacañang ang desisyon ng Supreme Court na nagsabing labag sa Saligang Batas ang DAP.

Dapat maging maingat ang gobyerno sa pananalita at kilos at baka may sector na mag-alsa. Baka gamitin ang masa upang gumulo ang sitwasyon sa bansa.

Maiintindihan ng masa ang DAP kung malulutas ng pamahalaan ang kahirapan, problema sa presyo ng mga pangunahing bilihin, kawalan ng trabaho, kriminalidad, at marami pang iba.

DAP

DAPAT

DISBURSEMENT ACCELE

MALACA

NOYNOY AQUINO

P-NOY

SALIGANG BATAS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with