Mga asal na dapat ituro sa mga anak
SA mga magulang, ituro sa mga anak ang mga sumusunod at ituturo rin nila ito sa mga magiging anak din nila:
1. Ang pagsasabi ng “please” kapag nakikisuyo.
2. Ang pagsasabi ng “thank you” kapag nakatanggap ng anumang grasya o bagay.
3. Ang paggamit ng “po” at “opo” kapag kausap ang mas nakatatanda.
4. Ang pagpapaalam bago kunin ang anumang bagay.
5. Ang pagsi-share ng ating gamit, pagkain at biyaya sa iba, lalo na sa mga wala nito.
6. Ang pagsabi ng “sorry” kapag nakasakit ng damdamin.
7. Ang pagtatapon ng basura sa basurahan, pagsasara ng pinto at pagpatay ng ilaw at bukas na gripo.
8. Magsabi ng “excuse me” kung makikiraan.
9. Bawal kunin ang hindi sa iyo.
10. Ang pagsimot sa bawat butil ng kanin o piraso ng pagkain sa plato dahil maraming nagugutom.
11. Pagmamano sa lolo at lola.
12. Huwag sasagot ng pabalang sa magulang.
13. Huwag sasabat kapag hindi kinakausap.
14. Huwag magsasalita ng “bad words”.
15. Makipagkaibigan.
16. Tumahan sa pag-iyak kapag nadapa.
17. Ang pagdarasal bago matulog
18. Ang pagdalo at pakikinig sa misa o pagsamba
19. Huwag magsinungaling.
- Latest