Ilang kaalaman sa pagpapapayat

*Puwede bang kumain ng kung anu-ano kahit regular na nag-eehersisyo? Kailangang mas mataas ang exercise at burning activities kaysa sa input o pagkaing ipinapasok sa katawan. Kung nakuha na ang ideal weight, maaari nang balansehin ang exercise sa iyong pagkain.

* Mahirap nga bang magpapayat ang mga babae kaysa mga lalaki? Oo. Maraming body fat ang babae kaysa lalaki. Mas mabilis ding mag-imbak ng taba ang katawan ng mga babae kaysa lalaki. Ang solusyon: dagdagan ng strength training para magkaroon ng lean muscles na magpapabilis sa metabolism.

* Pantay-pantay ba lahat nang calories kaya kahit anong kainin ay okay lang? Ang 500 calories ng gulay ay hindi katumbas ng 500 calories ng chocolate cake. Iba-iba ang metabolic rate ng pagkain. May mga pagkaing mas mahirap sunugin kaysa sa iba.

* Makapagpapataba ba ang pagkain ng taba (fat)? Ang fat ay kailangan din ng katawan subalit depende sa klase ng fat. Ang tinatawag na monounsaturated fats ay mula sa healthy oils na matatagpuan sa mga halaman tulad ng nuts, olives at avocados. Nakakatulong ito na mag-burn ng fat.

* Nakatataba ba ang pagkain sa gabi? Hindi ang dami ng pagkain ang problema, kundi ang oras ng pagkain ang nakaapekto sa pagtaba.

Maraming tao ang kumakain sa gabi dahil bored o malungkot at ang ending ay mas marami pa silang nakonsumong calories kaysa sa kinain ng buong araw. At dahil kumain ng mabigat ng gabi, mabigat pa ang tiyan kinabukasan at hindi ka gaganahang kumain ng agahan - na siyang ang pinakaimportanteng kainin mo sa buong araw! Ang solusyon ay kumain ng mas late, pero 2 hrs bago ka matulog para hindi ka na magbubukas pa ng ref!

*Nakapagpapayat ba ang pag-inom nang maraming tubig? Makakatulong ito sa pagpapapayat. Nakakabusog kasi ang tubig at nakakapuno ng tiyan at nababawasan ng 200 calories ang kinokonsumo sa pagkain kapag may tubig na ang tiyan. Makatutulong sa pag-burn ng calories kung ice-cold water ang iinumin.

* Makakapagpapayat ba ang diet soda at diet food? Hindi. Nakakapagpalaki ito ng tiyan at nagpapataas ng sugar at cholesterol.

* Totoo bang mas mahirap magpapayat habang tuma­tanda? Bumabagal ang metabolismo kapag nagkakaedad pero hindi ibig sabihin wala nang magagawa. I-maintain ang pag-eehersisyo ng apat na beses isang linggo ng at least 10 minutes at mapapanatili ang ganda ng katawan.

Show comments