PINARANGALAN kamakailan lang ng International Business Communicators ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bilang isa sa mga Global Quill Awardees sa taong 2014. Ang parangal na ito ang naglagay sa state-owned gaming firm sa hanay ng mga kumpanya sa buong mundo na may best business communication at Public Relations campaigns. Tinanggap ng PAGCOR ang Gold Quill 2014 Award of Merit (Communication Management division/Corporate Social Responsibility category) para sa “Matuwid na Daan sa Silid-Aralan” project (Building Schools through Good Governance) sa Excellence Gala Awards na idinaos sa Sheraton Centre Toronto Hotel sa Toronto, Canada noong Hunyo 9, 2014.
Ang parangal ay iginawad ng International Association of Business Communicators (IABC), isang propesyunal na network na humigit 15,000 business communicators sa 70 bansa. Ang Gold Quill ng IABC ay nagbibigay ng papuri sa communication excellence sa buong mundo at kumikilala sa tibay ng research-based, strategy driven work sa international scale.
Ayon sa Assistant Vice President for Corporate Communications ng PAGCOR na si Maricar Bautista, ang nasabing International Gold Quill Award na natanggap ng state-owned gaming agency ay nagbigay ng karangalan hindi lamang sa PAGCOR kundi pati rin sa bansa.
“We are very proud of this achievement because it shows that Filipinos can truly stand out in the field of business communication. Only six companies from the Philippines made it to the elite circle of the 2014 Gold Quill winners worldwide. PAGCOR along with the other local companies have done the country proud. Their projects are equally laudable,” wika nito.
Ang IABC ay nakatanggap ng 783 entries sa buong mundo. Sa 281 na nakapasok, sampu lamang na entry ang nakapasok mula sa Pilipinas ang nanalo (isa mula sa PAGCOR, isa mula sa ABS-CBN, dalawa mula sa Shell, apat mula sa Globe, isa mula sa SMART at isa rin mula sa PRU Life UK.)
Sabi ni Ms. Bautista, ang mas rewarding ay ang pagkilala ng international Gold Quill sa proyekto ng Corporate Social Responsibility (CSR) partikular sa magandang resulta ng school building program ng PAGCOR sa sektor ng edukasyon sa bansa.
“This is an amazing program that delivered wonderful progress to the community. Its video (on how PAGCOR’s school building program touches the lives of poor public students in different parts of the country) is strong and presents a compelling story. PAGCOR carried out a thorough multi-media campaign through a variety of channels. The agency’s corporate communications group did a fantastic job of getting the word out and building a very strong campaign (tungkol sa school building project ng PAGCOR),” wika ng mga evaluators.
Sa kasalukuyan ang “Matuwid na Daan sa Silid-Aralan” project ay nakatanggap na ng mga papuri mula sa dalawa sa prestihiyosong Public Relations award giving bodies ng Pilipinas. Nanalo ito ng Excellence and Merit Awards mula sa pinaka inaasam na ANVIL Awards ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP) sa taong 2013 at 2014.
Ang school building program ng PAGCOR ay paraan nito upang matulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa pagtugon sa kakulangan ng mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Sa kasalukuyan, ang state-owned gaming firm ay naglaan ng kabuuang P5 bilyon para sa proyekto, P2 bilyon ay nakalaan sa pagpapatayo ng mga silid para sa mga lugar na naapektuhan ng Yolanda.
Ayon kay Amanda Hamilton Attwell, ang Chair ng International Gold Quill para sa taong 2014, ang mga senior evaluators mula sa iba’t ibang parte ng mundo ang umusisa sa lahat ng entry base sa global seven-point scale of excellence for strategic communication planning and implementation ng IABC.
“Winners of the Gold Quill Award (kasama ang PAGCOR) demonstrate that their work is aligned with business needs. Their audience characteristics are clearly described, objectives are meaningful and measurable, and results of their campaign demonstrate that the work they did made a difference for their organization and stakeholders,” wika nito.
Samantala, sinabi ni Robin McCasland, ang international chair ng IABC, na 783 mula sa buong mundo ang tinasa, sinuri at sumailalim sa masusing pagsisiyasat ng Global Blue Ribbon Panel na binubuo ng 123 evaluators worldwide. Ito ay mayroong apat na dibisyon, ang Communication Research Management, Communication Management, Communication Skills at Communication Training and Education.
Pinasalamatan nito ang lahat ng mga evaluators na tumulong at sumuri sa daan-daang lumahok. Ang bawat entry ay nirepaso nang dalawang oras. Sa kabuuan umabot ng 1, 958 na oras ang iginugol para sa lahat ng mga entries. Ang lahat nang ito ay ginawa nila nang walang bayad.
Pagkatapos ng mahigpit na proseso ng pagsasala, 128 entries lamang ang nanalo ng Gold Quill Award para sa 2014 – 108 ang nakakuha ng Award of Excellence at 173 ang nakatanggap ng Merit Awards.
Ang iba pang winning entries ay mula sa iba’t-iba sumusunod na bansa – 136 mula sa United States of America, 79 mula sa Canada, 13 mula sa South Africa, 12 sa Australia, walo mula sa UK, anim sa New Zealand, anim rin mula sa Russia, dalawa sa Switzerland, dalawa sa Italy, isa mula sa Botswana at isa rin mula sa Singapore.
Sa susunod na taon magandang pag ibayuhin ng ibat ibang korporasyon na magsumite ng kani-kanilang entries para naman mas makilala ang ating bansa sa larangan ng Business Communications.
(KINALAP NI I-GIE MALIXI) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.